Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiefer Ravena na-ospital

ni James Ty III

041015 Kiefer ravena

ISINUGOD sa ospital noong isang araw ang pambato ng Ateneo Blue Eagles na si Kiefer Ravena, ayon sa kanyang nakababatang kapatid na si Thirdy.

Sa isang panayam, sinabi ni Thirdy na sobrang pagod ang dahilan kung bakit na-ospital ang kanyang kapatid.

“My brother and I have been training for the national team, aside from playing for our school,” wika ni Thirdy sa panayam ng manunulat na ito noong isang gabi. “But his condition is stable.”

Ayon pa kay Thirdy, matindi kasi ang ensayo ng Sinag Pilipinas sa ilalim ng head coach na si Tab Baldwin kaya napagod ang kanyang kapatid.

Parehong kasama sina Thirdy at Kiefer sa Sinag na naghahanda para sa SEABA ngayong buwang ito at ang Southeast Asian Games sa Hunyo na parehong gagawin sa Singapore.

Bukod pa rito ay naglalaro ang dalawa para sa Eagles sa Philippines-Australia Goodwill Invitational Basketball Tournament kalaban ang Arellano, San Sebastian, National University at dalawang koponan mula sa Australia.

Tatagal ang torneo hanggang bukas.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …