Kinalap ni Tracy Cabrera
PAPASOK na ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa yugto ng pinakamahirap na bahagi ng kanyang pagsasanay sa linggong ito.
Nangangahulugang magsisimula na siyang makapag-sparring ng 12 round, na sadyang susubok kung paano niya maisasakatuparan ang binuong game plan para sa kanya, at gayon din ang kanyang conditioning at punching power.
Napaulat na maghahalili si Pacquiao sa pagsasa-nay sa Griffith Park at sa track oval ng Pan Pacific Park.
“Ito na ‘yung heavy training,” ani Buboy Fernandez, assistant trainer ni Pacman. “Kailangan nang luma-bas dito ‘yung movements at footwork.”
Ayon naman kay Michael Koncz, business adviser ng People’s Champ, ito ang mahalagang yugto sa kampo ng Pinoy boxing icon.
“Tunay na hardcore training ito, magpo-focus kami sa kanyang conditioning at technique dahil ang timing at lahat ay nar’yan na,” punto ni Koncz.
“Kaya pumapasok na kami sa importanteng panahon ng kanyang pagsasa-nay.” Nagpahayag ng kom-piyansa ang coach ni Pacquiao na si Freddie Roach, at sinabing satisfied siya sa kilos ng kanyang alaga, partikular ang kanyang galaw sa loob ng ring, na makatutulong sa pagharap niya sa wala pang talong si Floyd Mayweather Jr.
“I like what we are seeing. We are getting there,” pahayag ni Roach sa Boxing Scene.