Wednesday , November 6 2024

Dagdag na greatest players dapat irespeto — Codiñera

ni James Ty III

041015 PBA great 40

NANINIWALA ang isa sa 40 Greatest Players ng Philippine Basketball Association na si Jerry Codiñera na dapat irespeto ng mga tagahanga ng liga ang mga dagdag na manlalaro na inilagay sa listahan.

Ito’y reaksyon ni Codinera sa mga hinaing ng ilang mga kritiko, tulad ni Fortunato ‘Atoy’ Co na kumuwestiyon sa pagdagdag ng mga manlalaro na sa tingin nila ay hindi karapat-dapat isali sa listahan.

“It is out of our control. Siguro, in the next batch, I hope na isama nila ‘yung mga players na na-overlook,” wika ni Codinera. “For me, all these players na kasama ko sa listahan are all good players. When you talk about MVP, whether you won or not, anybody can win that award. Judgment ng pumipili iyan. It’s a matter kung sino ang early or late pero I don’t question their talent.”

Ilan sa mga manlalaro na hindi isinama ng search committee ng PBA para sa 40 Greatest ay sina Abe King, ang yumaong Arnie Tuadles, Nelson Asaytono, Olsen Racela at Danny Seigle.

Sa ginanap na 40th anniversary ng PBA noong Miyerkoles sa Resorts World Manila, ilan sa mga manlalarong isinali sa 40 Greatest ay sina Asi Taulava, Eric Menk, Kelly Williams, Jayjay Helterbrand, Jimmy Alapag, Mark Caguioa, Arwind Santos, Jayson Castro, Marc Pingris, Kerby Raymundo, Chito Loyzaga at Marlou Aquino.

Nauna si Codinera sa 25 Greatest Players na pinili ng liga noong 2000.

Sa ngayon ay abala si Codinera sa pagiging coach ng Arellano University sa NCAA.

 

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *