Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

City engineer, anak na bombero sugatan sa ambush

112514 crime sceneCAMP OLIVAS, Pampanga – Kapwa sugatan ang Tarlac City engineer at anak niyang bombero makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaking lulan ng motorsiklo kamakalawa ng umaga sa Brgy. San Sebastian, Tarlac City.

Ayon sa ulat ni Senior Supt. Alex Sintin, Tarlac Police Provincial director, isinugod ng mga saksi sa Luzon Doctor’s Hospital ang mag-amang sina Bonifacio Liwanag, 52, Fire Officer 1 Cyrus Liwanag, 24, nakadestino sa Bureau of Fire and Protection sa lalawigang ito.

Ayon kay Senior Supt. Sintin, patungo sa kanilang trabaho ang mag-ama sakay ng Mitsubishi L-200 na minamaneho ni Bonifacio.

Pagpasok sa Gate-3 ng San Sebastian, bigla silang pinaulanan ng bala ng mga suspek na nakapuwesto sa kaliwang bakod.

Bagama’t  sugatan ay nagawa ni Bonifacio na patakbuhin ang sasakyan patungo sa himpilan ng BFP habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Leony Arevalo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …