Friday , November 15 2024

Bill Gates bumisita sa IRRI

bill gatesBINISITA ng Microsoft co-founder na si Bill Gates ang International Rice Research Institute (IRRI) sa Los Baños, Laguna nitong Miyerkoles. 

Ayon ito sa pahayag ng ilang sources makaraan mapabalitang dumating sa Filipinas nitong Sabado ang kinikilalang pinakamayamang tao sa buong mundo.

Ang American businessman at philanthropist na si Gates at misis niya ay kapwa chairperson ng Bill and Melinda Gates Foundation. Sila rin ang pinakamalaking private donor ng IRRI sa tinatayang $18 milyon na ayuda kada taon. 

Nasa $100 milyon ang taunang budget ng organisasyon para sa global operation nito. 

Pinaigting ang seguridad sa global headquarters ng IRRI sa loob ng UP Los Baños campus. Bagama’t tumanggi ang mga opisyal na kompirmahin ang presensya ni Gates, inihayag nilang nagtungo sa kanilang tanggapan ang Agriculture Development head ng IRRI global na si Pamela Anderson. 

Inilalarawan ng IRRI ang sarili bilang “the world’s premier research organization dedicated to reducing poverty and hunger through rice science.” Taon 1960 itinatag ang organisasyon na may mga opisina sa 17 bansa. 

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *