SINIKAP noon ng sex toy manufacturer na gumawa ng maliit na vibrator na magmimistulang cosmetic products lamang ngunit ngayon ay maaari na itong i-implant nang permanente sa vagina.
Ayon sa Fun Factory, nag-develop ang German doctors ng V-shaped vibrating implant na tinaguriang Orgasmia.
Titiyakin ng Orgasmia na tatamaan ang ‘right spot’ sa pamamagitan ng “clitoral legs” upang ma-stimulate ang clitoris mula sa loob.
Maaari itong makontrol sa pamamagitan ng Bluetooth technology, kaya ito ay makokontrol gamit ang inyong smart phone o iba pang electronic devices na compatible sa Bluetooth.
Pagmamalaki ng Fun Factory sa kanilang website, “The device can be used on its own for hands-free orgasms, to enhance the experience of sex with a partner, or to address a variety of sexual complaints, including unsatisfying intercourse, extended separation from a partner, or even lack of time for sex. Even better than the long-awaited ‘female Viagra,’ Orgasmia gives women control over their arousal and pleasure.”
Ngunit paano kung humina na ang battery? Walang dapat ipag-alala dahil ang implant ay gumagamit ng init ng katawan para mag-recharge.
Ang Orgasmia operation ay outpatient procedure, nagkakahalaga ng $6,500. Ito ay may 20-year guarantee sa motor at cover ang kalahati ng bayad sa ano mang upgrades na maaaring isagawa. (http://www.yourtango.com/)