Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

47-anyos arestado sa sextortion vs 16-anyos dalagita

111114 rapeNAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang 47-anyos lalaki makaraan ang ‘sextortion’ sa 16-anyos dalagita sa Candelaria, Quezon.

Nabatid na pinipilit ng suspek na si Reginaldo Tesico na muling makipagkita at makipagtalik sa kanya ang biktima dahil kung hindi ay ilalabas niya ang kanilang sex video.

Sinasabing araw-araw inuulan ng text ang biktima galing sa suspek at pinipilit na makipagtagpo.

Bunsod nito, hindi na nagdalawang isip pa ang ina ng biktima na dumulog sa pulisya upang ireklamo ang suspek.

Isang  entrapment  operation ang ikinasa ng mga awtoridad na naging daan para sa tuluyang pagkakadakip sa suspek.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 7610 laban sa suspek.

Samantala, nagsisisi ang isang lalaki makaraan ang panghahalay sa kanyang 10-anyos na pamangkin sa Catanuan, Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang natutulog ang biktima sa kanilang bahay katabi ang kanyang lolo nang dumating ang 22-anyos suspek at binuhat papunta sa kuwarto ang bata. Agad hinubad ng suspek ang salawal ng biktima kasunod nang paghuhubad din ng kanyang saplot saka isinagawa ang panghahalay.

Pumalag ang biktima ngunit dahil sa kalakasan ng suspek ay wala siyang nagawa hanggang sa mailugso ang kanyang puri.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 8353 laban sa suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …