Monday , November 18 2024

Atake sa kalayaan sa pamamahayag ang pambabastos ng MPD sa MOA ng media groups sa PNP at DILG

jsy bail

MASYADONG mapanganib at nakalulungkot ang tahasang pambabastos ng Manila Police District Warrant & Subpoena Section (MPD-WSS) sa Memorandum of Agreement (MOA) ng Philippine National Police (PNP) at media groups na National Union of Journalists in the Philippines (NUJP), National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at ng Philippine Press Institute (PPI).

Naniniwala tayo na ang pag-aresto sa inyong lingkod sa mismong araw ng Linggo (weekend) ay hindi dapat palampasin nang ganoon na lamang komo nakapaghain tayo ng piyansa.

Ang pag-arestong ito ay tahasang pag-atake hindi lamang sa iisang persona kundi sa kalayaan sa pamamahayag (press freedom) lalo’t nilalabag nito ang mga batayang prinsipyo at batas sa ilalim ng Bill of Rights ng Philippine Constitution at mga probisyon sa ilalim ng United Nations’ Universal Declaration of Human Rights, ganoon din ang mga kasunduan (MOA) na sinimulan, iginiit at pinagtagumpayan ng mga kinikilala nating institusyon sa larangan ng pamamahayag gaya ng yumaong Butch Del Castillo noong Setyembre 14, 1990.

Sa panig ng NPC, lumagda noon sa nasabing MOA sina Del Castillo bilang Pangulo, Antonio Antonio bilang Bise Presidente, Bert Castro bilang Kalihim, at Julius Fortuna bilang chairman ng NPC Press Freedom Committee.

Lumagda naman sa panig ng mga awtoridad ang noo’y Secretary of Defense na si Fidel V. Ramos, AFP Chief of Staff Gen. Renato De Villa, M/Gen. Cesar Nazareno ng INP at Lulu Ilustre, Assistant Secretary for Public Affairs ng DND.

Saksi sa lagdaang ito sina Ms. Jessica Soho, Roberto Capco, Oscar Quiambao at Angel Gonong ganoon din sina M/Gen. Guillermo Flores, PN-FOIC Mariano Dumancas, M/Gen. Gerardo Protacio at B/Gen. Emiliano Templo.

Binuhay at pinanatili ang MOA na ito ng dating presidente ng National Press Club na si Louie Logarta kina SILG Jose Lina, Undersecretary Alipio Fernandez. Jr., at Dir. Gen. Leandro Mendoza, chief PNP noon.

Sa panahon ng aking panunungkulan, pinagtibay namin ito nina Secretary Jesse Robredo at chief PNP Jesus Versoza noong Agosto 11, 2010.

Kaya mula noon hanggang ngayon, nanatili ang kasunduang ito dahil wala namang mga pahayag o deklarasyon na hindi na ito kinikilala o kikilalanin.

Kung ang nabanggit na MOA ay hindi kayang ipatupad ng mga awtoridad at sa halip ay kanilang nilalabag, ano ang garantiyang mapapala ng mga mamamahayag lalo na ‘yung mga katoto natin na hindi kayang kumuha ng abogado at maglagak agad ng piyansa?!

Kahit noong panahon ni Minister of Justice Vicente Abad Santos, mayroon siyang ipinalabas na Memorandum Circular na nagsasabing… “To ensure that these constitutional rights shall not be jeopardized, utmost care shall be observed in serving warrants of arrests. Most specifically, no arrest should be made during nightime, on holidays, or on weekends except as stated below. This prohibition is intended to avoid inconvenience on the part of arrested person, who otherwise might find it difficult to post bond for his provisional liberty, or to secure the services of legal counsel while under detention.”

Si Abad Santos ay nanungkulan noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na sinasabing talamak ang paglabag sa karapatang pantao, gusto ba nating sabihin na lalo pang talamak ang mga paglabag ngayon?

Ang MOA sa PNP ng media groups ay kinompirma ni Ms. Rowena Paraan, chairperson ng NUJP.

Pero bakit wala tayong naririnig mula sa NPC?

Nakalulungkot na tayo ay naging Director sa loob ng walong taon at naging Pangulo ng isang media organization na ngayon ay mukhang mas nagiging tagapagsalita ng mga nang-arestong pulis kaysa tagapagtanggol ng PRESS FREEDOM!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *