AYON sa mga miron ng boksing, ang MGM Grand ang pinakamainit na lugar sa May 2 na kung saan ang venue ng magiging laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather.
“You will see hard-core boxing fans but you’re gonna have people there that are socialites, rich that don’t really follow boxing but who will be there for the event,” pahayag ni Michael Koncz.
Inaasahan na dadagsain ng mga kilalang personalidad ang nasabing event at dito mairerehistro ang makasaysayang pinakamataas na bentahan ng tiket para mapanood ang laban na tinatayang mas mahal pa sa presyo ng ginto.
Bukod sa mahal ang tiket sa labang Pacquiao-Mayweather, lubhang napakahirap bumili nito sa legal na outlet. Kailangang mo pang bumili sa black market na posibleng sumirit pa ang presyo.
Ang pinakamurang tiket na mabibili sa legal na outlet ay may presyong $1,500 at ang pinakamahal na tiket ay $7,500.
Sa kasaysayan ng mga laban ni Pacquiao, ang pinakamahal na naibentang tiket ay nagkakahalaga lang ng $1,500.
Sa internet, na kung saan ay talamak ang bentahan sa black market, nagkakahalaga ang ringside ng $87,000 o kung ikukunbert sa piso ay roughly P3.5 milyon.