ANG maaaring iyong ipa-ngamba ay feng shui ng bago o dati nang bahay na ang bathroom ay malapit sa main entry. Dahil ang main door ay napakahalaga sa feng shui, ikokonsi-dera mo bang may bad feng shui ang bahay na ang bathroom ay malapit sa main door:
Una, palitan natin ang katagang “bad feng shui” ng “challenging feng shui” o “feng shui concerns.” Ito ay higit na wasto. Maaari mong palitan ang ano man na tinatawag na “bad feng shui” situation para mapabuti kung batid mo kung paano ito sosolusyonan.
Kung ang bathroom ay naroroon sa lugar na ma-lapit sa main door, nagi-ging napakahalaga na maalagaan ang good feng shui nito, dahil ang ka-lidad ng enerhiya na pumapasok sa main door ang dedetermina ng ka-lidad ng enerhiya sa bahay.
Ang bathrooms ay may bad reputation sa feng shui, ito man ay bathroom sa love area, bathroom sa money area o bathroom sa itaas ng bedroom. Ang bathroons ay nagkakaroon ng stagnant, low energy at draining energy. Gayonman, mayroon ding bathrooms na may good feng shui at excellent energy, kailangan lamang ito pangalagaan.
ni Lady Choi