Aries (April 18-May 13) Dahil sa high demands, kailangan mo rin ng dagdag pang private time upang mapakalma ang sarili.
Taurus (May 13-June 21) May makasasagutan ka ngayong umaga, ngunit hindi mo ito magawang ipahayag sa iba.
Gemini (June 21-July 20) Ang iyong typical generosity ay medyo hindi matagpuan ngayon, huwag mangamba, magiging balanse rin ang mga bagay dakong hapon.
Cancer (July 20-Aug. 10) Magsimula ng bagong bagay – o tapusin ang isang bagay ngayong umaga, at ito’y magiging madali para sa iyo.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ikaw ay bukas ang isipan at prangka sa iyong nararamdaman, at bihirang pigilan ang iyong mga opinyon.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kakaiba ang araw ngayon – nagsimula ka sa higit na sosyal, at pagkaraan ay nanaisin mong magbabad na lamang sa higaan. Minsan ang buhay ay may ups and downs, makakaya mo ito.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang iyong isip ay puno ng conflicting ideas at opinyon dakong umaga pa lamang ngayon, na hindi mo ikatutuwa – ngunit dakong hapon ay magkakaroon din ng kalinawan.
Scorpio (Nov. 23-29) Sinasamantala mo ang bawa’t oportunidad upang maipakita ang iyong galing sa trabaho dahil ikaw ay may sensational self-confidence.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Harapin ang iyong primary relationship ngayong umaga – bagama’t walang dapat na isaayos, ang effort ay tiyak magpapakita ng iyong pagmamalasakit at ito’y dagdag pogi points.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Hindi ka bihasa sa pagba-budget at pag-iipon ng pera para sa tag-ulan.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Pinipili mo ang good cause, or bad cause, isinusulong ito, at nasusumpungan ang sariling tinutupad ang malaking bahagi nito.
Pisces (March 11-April 18) Komportable sa partner na parehong nakatapak sa lupa ang mga paa; mapagkakatiwalaan at ang payo ay maaaring paniwalaan.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Sinasamantala mo ang bawa’t oportunidad upang maipakita ang iyong galing sa trabaho dahil ikaw ay may sensational self-confidence.
ni Lady Dee