Friday , November 15 2024

Veloso case sa Indonesia may remedyong legal pa

velosoTINIYAK ni Vice President Jejomar Binay sa pamilya ni Mary Jane Veloso, ang Filipina sa death row sa Indonesia, na may legal remedies at options pang natitira para mailigtas ang OFW.

Una rito, nakipagkita sina Celia at Cesar Veloso, magulang ni Mary Jane, sa Bise Presidente sa Makati City Hall para pag-usapan ang mga hakbang ng gobyerno para maisalba ang buhay ng kanilang anak.

Ayon kay Binay, siya ring presidential adviser on OFW concerns, hinihintay na lamang nila ang tugon ni Indonesian President Joko Widodo kaugnay sa kanilang apela na ibaba ang sentensiya ni Mary Jane.

Inatasan na rin niya si Assistant Foreign Affairs Secretary Minda Calaguian-Cruz na maghain ng pangalawang petisyon para sa judicial review para sa kaso ng Filipina.

Ang 30-anyos na si Veloso ay sinentensiyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad makaraan mahulian ng 2.6 kilograms ng heroin sa Yogyakarta Airport noong Abril 2010.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *