Monday , December 23 2024

Opensiba vs BIFF tapos na — AFP

FRONTTINAPOS na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang all-out offensive kontra Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon kay AFP Chief Gregorio Pio Catapang, higit kalahati na ng mga miyembro ng BIFF ang napatay nila habang nagkahiwa-hiwalay na sa maliliit na grupo ang mga naiwan.

Simula nang umpisahan ang all-out offensive noong Pebrero 27, nasa 151 BIFF members na ang namatay habang 50 ang sugatan. Samantala 12 ang arestado. Sa hanay ng mga sundalo, 10 na ang namatay.

Nitong Linggo, apat na sundalo ang namatay kabilang na ang isang driver ng military bus sa magkahiwalay enkwentro sa Datu Unsay at Shariff Saydona Mustapha.

Patay sa enkwentro mula sa panig ng BIFF ang isang kilalang lider nito at dalawa pang kasamahan.

P200-M reward sa Marwan killing walang claimant?

MAKALIPAS ang dalawang buwan hanggang ngayon ay wala pa ring naghahabol kung kanino dapat mapunta ang milyon-milyong reward money na nakalaan sa ulo nang napatay na international terrorist na si Marwan.

Sinabi ni PNP spokesperson, Chief Supt. Generoso Cerbo, Jr., bukod sa mahigit P200 milyon na manggagaling sa Amerika, ang gobyero ng Filipinas ay naglaan din ng P7 milyon reward sa sino mang magiging daan sa pag-nuetralize sa tinaguriang Osama Bin Laden ng Asya.

Kung maaalala, napatay si Marwan sa operasyon ng pulisya sa Mamasapano noong Enero 25, ngunit ang naging kapalit nito ay pagkamatay ng 44 SAF troopers.

Ayon kay Gen. Cerbo, dapat manggaling sa SAF lalo na kina dating SAF Director Getulio Napenas o kaya sa bagong SAF chief na si Chief Superintendent Moro Virgilio Lazo ang pagproseso kung kanino dapat mapunta ang reward money dahil ang SAF ang bumuo ng Oplan Exodus.

Kung MILF member ang naging susi sa impormasyon, daraan pa rin ito sa proseso o pagberipika at documentation kung totoong may papel ito sa operasyon.

Muling nilinaw ng heneral na hindi kasama sa trabaho ng mga awtoridad ang pagtanggap ng reward dahil bahagi ng kanilang trabaho ang pagtugis sa mga kriminal.

Palasyo umiiwas sa ‘MILF Talks Collapse’ scenario

UMIWAS muna ang Malacañang sa ulat na naghahanda na ang Malaysia sakaling tuluyang madiskaril ang isinusulong na usapang pangkapayapaan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi siya maaaring magbigay ng pahayag para sa Malaysia dahil hindi na siya awtorisadong magsalita para sa kanila.

Ayon kay Lacierda, hindi inisiip ng gobyerno, partikular ng government peace panel, na mauwi sa wala ang pinagsikapang pakikipag-usap nila sa MILF.

Ito ay dahil hindi pa napagtitibay ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso.

Ginagawa aniya ng pamahalaan ang lahat ng paraan, tulad ng pagpapatawag ng National Peace Summit para mahimay at maintindihan nang husto ng publiko ang nilalaman ng BBL.

Magugunitang naudlot ang pag-usad ng panukalang batas sa Kongreso dahil sa malagim na enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 67 katao.

Bukod dito, nagbanta ang MILF na babalik sila sa pakikipagdigma sa gobyerno kapag hindi naaprubahan ang BBL na siyang magiging batas sa pagtatatag ng Bangsamoro juridical entity sa Mindanao region.

Pagpasa sa BBL dagdag-insulto

ITO ang tinuran ng Independent Minority Bloc dahil sa pagkukumahog ng Malacañang na maipasa agad ang kontrobersyal na panukalang batas habang wala pa ring nakakamit na hustisya ang mga kaanak ng Fallen 44.

“Adding insult to injury is the fact that instead of ensuring justice for the SAF 44, the government is already pushing heaven and earth for the passage of the proposed BBL,” banat ng Minority Bloc.

Pahayag ni Rep. Martin Romualdez, ano na ang ginagawa nina Justice Sec. Leila de Lima at Peace Panel Chair Miriam Coronel Ferrer para maaresto ang mga sangkot sa pagpatay sa SAF troopers.

“Ang tagal nang naganap ang insidente pero hanggang ngayon wala pa ring nangyayari, natutulog sa pansitan si De Lima,” arya ni Romualdez.

Paliwanag ng Independent Minority Bloc, paulit-ulit na sinasabi ng Moro Islamic Liberation Front(MILF) na hindi nila isusuko ang kanilang mga tauhan na nangangahulugang alam ng grupo kung sino-sino ang mga sangkot sa krimen ngunit hanggang sa kasalukuyan, wala man lang ginagawang paghahabol ang gobyerno.

Jethro Sinocruz

MILF kinatigan ng Palasyo sa isyu ng BBL

KINATIGAN ng Palasyo ang pahayag ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nahaharap sa malaking problema ang Mindanao kung hindi maisasabatas ang proposed Bangsamoro Basic Law (BBL).

Banta ng MILF na lalo pang lalala ang gi-yera sa Mindanao kung hindi maisasapinal ang prosesong pangkapayapaan o ang pagsasabatas ng BBL

Ayon kay government peace panel chairperson Miriam Coronel Ferrer, hindi mareresolba ang napakatagal nang problema sa Mindanao kung hindi mapagtitibay ang proposed BBL ng mga mambabatas.

Matatandaan, naungkat ang sinasabing mga problema sa BBL makaraan ang Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa kamay ng MILF at iba pang armadong grupo.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *