Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 holdaper patay sa enkwentro sa Cavite

112514 crime scenePATAY ang dalawang suspek sa panghoholdap makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Imus, Cavite nitong Linggo.

Isang sangay ng LBC ang nilooban ng mga lalaking suspek sa Brgy. Bucandala dakong 11:20 a.m. kahapon.

Kuwento ng empleyadang si Janela Aquino, “Nag-declare po sila ng holdap tapos po pinatungo kami. Huwag daw po kaming titingin. Tapos noong nakuha po ‘yung mga pera, pinapasok po kami ng CR ng branch.”

Tinatayang P10,000 ang natangay ng mga suspek na nakatakas sakay ng motorsiklo.

Natunton ang mga suspek makaraan itawag ng isang concerned citizen ang kanilang lokasyon.

Inabutan ng mga pulis ang mga suspek sa isang bukid ngunit nakipagpalitan ng putok kaya sila napatay.

Ayon kay Sr. Supt. Jonnel Estomo, hepe ng Cavite Police, itinuturong responsable rin ang mga suspek sa panloloob sa sangay ng LBC sa Brgy. Burol I, Dasmariñas nitong Sabado.

Sangkot din aniya ang dalawa sa ilan pang insidente ng holdapan sa Cavite.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …