Sunday , December 22 2024

Understanding daw para sa taong laging misunderstood?!

PNOY SAF 44HUMIHINGI raw ng pang-unawa si Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng Mamasapano incident.

Unawain daw siya dahil kung hindi mali ang detalyang ibinigay sa kanya ‘e ‘di  sana’y agad si-yang nakahingi ng reinforcement sa Armed For-ces of the Philippines (AFP).

Parang gusto tuloy natin sabihin … tao ka lang nga kaya lang Presidente ka ng isang bansa.

Sabi n’yo nga mismo, matagal nang ipinapla-no ‘yang operation na ‘yan laban kay Marwan…Plan A lang ba?

Walang Plan B at lalong walang Plan C?!

Alam ninyong buhay ang nakasalalay diyan… at ang higit na mabigat, ipinagkatiwala ninyo sa taong walang ‘accountability’ ang operation na ‘yan dahil suspendido nga si Gen. Alam Purisima.

Kaya lalong mas mahirap kayong intindihin, Mr. President.

Humihingi kayo ng pang-unawa, pero parang kayo pa ang nagagalit sa mga naulilang pamilya kapag hindi kayo pinapansin. 

Iyon na po siguro ang kanilang pagtitimping ginagawa, ‘yung ‘wag na lang kayong pansinin kaysa naman mabastos pa nila kayo.

Kaya please lang po, huwag ninyong utusan ang mga ‘BOSS’ ninyo na UNAWAIN kayo.

Dahil hindi nila makita ang pananagutan ninyo d’yan sa salitang ‘UNAWAIN’!

Naintindihan mo ba Sec. Sonny ‘Colokoy’ este Coloma!?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *