Lagi tayong pinabibilib ni Mayor Rodrigo Duterte
Jerry Yap
March 28, 2015
Opinion
ISA si Davao Mayor Rodrigo Duterte sa mga public officials na kinakikitaan ng tunay na tapang, sinseridad at palabra de honor.
Sabi nga ng matatanda, isang taong alam ang pagkakaiba ng OO at HINDI.
Ibibigay nang buong puso ang kanyang OO kung kinakailangan pero paninindigan din nang husto ang kanyang HINDI kung hinihingi ng pagkakataon.
Gaya na lang nitong pag-aamuki sa kanya ng ilang kababayan at negosyante na tumakbo siyang presidente sa halalan sa 2016. Nagpakita rin naman siya ng interes sa pagtakbo kaya nga nabuo na rin ang iba’t ibang grupo na sumusuporta sa kanya.
Pero siyempre, isang araw nga lang ang eleksiyon pero kailangang sapat ang paghahanda bukod pa sa kakayahan ng isang kandidato.
Dahil pagkatapos ng eleksiyon, tiyak na haharap sa isang mabigat na tungkulin ang sino mang mahahalal.
At dahil hindi naman matakaw sa kapangyarihan at posisyon, mas isinaalang-alang ni Duterte ang kagalingan ng mamamayan kaysa sariling karangalan.
Malaking bagay nga kung mananalo siyang presidente pero sa edad niya ngayon na halos 69 anyos at 70 na sa 2016, makayanan pa kaya niya physically ang hinihinging panunungkulan ng isang presidente ng bansa?!
Kung bata-bata pa siguro siya ay baka tanggapin niya ang hiling ng bayan na tumakbo siya sa pagka-Pangulo.
Ayon mismo kay Mayor Duterte, ang presidential elections ay para sa mga kabataan at malalakas pa.
Gayon man, sinabi niyang ii-endorse niya ang sino mang kandidato na may platapormang federal system of government dahil naniniwala siyang ito ang magdadala ng kapayapaan sa Mindanao.
Kontento na rin umano siya sa 23-taon pagiging alkalde ng Davao City at isang term para sa pagiging congressman.
Nakita naman ninyo hanggang sa pag-atras sa pagtakbong presidente sa 2016 mayroong kapaki-pakinabang na konsesyon para sa sambayanang Filipino.
Meron nga riyan na alam na alam ng taong bayan na mga mandurugas pero gigil na gigil na maging Panggulo este Pangulo?!
‘Yun bang parang walang kapagod-pagod daw na magnakaw ‘este maglingkod kuno sa bayan!
Bakit kaya hindi ito gayahain ng ibang local executives o mga pinuno ng ibang ahensiya ng pamahalaan?!
Kapag hindi na kaya, magretiro na!
Kaysa naman makasuhan pa kapag nagkabulilyasohan?
Hindi ba, Mayor Rod Duterte?
Understanding daw para sa taong laging misunderstood?!
HUMIHINGI raw ng pang-unawa si Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng Mamasapano incident.
Unawain daw siya dahil kung hindi mali ang detalyang ibinigay sa kanya ‘e ‘di sana’y agad si-yang nakahingi ng reinforcement sa Armed For-ces of the Philippines (AFP).
Parang gusto tuloy natin sabihin … tao ka lang nga kaya lang Presidente ka ng isang bansa.
Sabi n’yo nga mismo, matagal nang ipinapla-no ‘yang operation na ‘yan laban kay Marwan…Plan A lang ba?
Walang Plan B at lalong walang Plan C?!
Alam ninyong buhay ang nakasalalay diyan… at ang higit na mabigat, ipinagkatiwala ninyo sa taong walang ‘accountability’ ang operation na ‘yan dahil suspendido nga si Gen. Alam Purisima.
Kaya lalong mas mahirap kayong intindihin, Mr. President.
Humihingi kayo ng pang-unawa, pero parang kayo pa ang nagagalit sa mga naulilang pamilya kapag hindi kayo pinapansin.
Iyon na po siguro ang kanilang pagtitimping ginagawa, ‘yung ‘wag na lang kayong pansinin kaysa naman mabastos pa nila kayo.
Kaya please lang po, huwag ninyong utusan ang mga ‘BOSS’ ninyo na UNAWAIN kayo.
Dahil hindi nila makita ang pananagutan ninyo d’yan sa salitang ‘UNAWAIN’!
Naintindihan mo ba Sec. Sonny ‘Colokoy’ este Coloma!?
TRO For Sale sa Court of Appeals?!
TUMPAK! Tama ang kumakalat na bali-balita na mabibigyan ng CA si Mayor Binay ng TRO at siguro totoo rin ang P10 milyon o higit pa na padu-las. Gaya ng nangyari sa tatay ni Mayor Binay nabigyan din ng TRO ng CA noong 2006 para di mapalayas sa Makati city hall. Ang batas o hustis-ya sa bansa natin pera-pera na lang ngayon. E anong batas pa ang umiiral? Meron pa ba? Wala! Letse kayo! Magunaw na sana kayo! Hindot kayo! Pwee! – Juan po #+63909481 – – – –
CA laging ‘tinutulungan’ ang mga Binay?
MR. JERRY YAP, c Jojo Binay, nagpatulong din siya sa Court of Appeals (CA) pinaboran siya. Ngayon c Junjun Binay pinaboran din ng Court of Appeals. Mukhang nakakaduda at na-TRO agad ang suspension na inilatag ng Ombudsman. Bayan kayo na ang humatol sa 2016 kung may karapatan pa ang mga Binay na pagkatiwalaan pa kahit sinuway nila ang rule of law at sila ay above the law. Tnx. – Concerned Citizen ng Bulacan #+63937232 – – – –
Nagpapakilalang mga tao ni Erap parang may patago kung ‘manghingi’ sa vendors
REPORT ko po ang mga tao ni Mayor Erap, ang DPS na tuwing umaga pa lang e nasa Juan Luna at Recto n sa Divisoria harapan kung manghingi sa vendors na akala mo e may patago. Alam kaya ni mayor ang mga sideline ng tao niya?! Di man lang mahiya sa mga taong dumaraan na nakikita sila sa gawi nila. Sana maaksiyonan po agad ito. Slamat po at pakitago na lamang po ang aking number. Salamat po Sir Jerry #+6290678 – – – –
Tapat ng MMDA sa Escolta pinarumi ng turo-turo?
SIR GANDANG HAPON po, report ko lang mga MMDA na flood control d2 sa Escolta ta-bing ilog malaki bigayan kaya ok lang magtayo ng tindahan ng kainan. Ang dumi-dumi na ng tapat ng MMDA. Dati si Bayani Fernando pa ang chairman ng mmda wala pa sila rito. Sana naman po malinis po ninyo Sir Francis Tolentino. Pakilinis namn po. Puntahan ninyo d2 para ma-kita ninyo ang maruming kapaligiran. D2 sa na po sir. Sana po matulungan ninyo kame d2. ‘Wag ninyo na lang labas ‘yong number ko. #+63920269 – – – –
Pulse at SWS mag-survey ng impeachment
MAG-SURVEY naman ang Pulse Asia at SWS kung dapat ma-impeach ang pangulo.
#+63908878 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com