Kilalanin si Egay kupal ng Bureau of Customs
hataw tabloid
March 28, 2015
Opinion
UBOD pala ng kupal itong isang alyas BOSS EGAY diyan sa Bureau of Customs (BOC). Ito umano ang inaasahan ng mga astig na smugglers na gaya nina MANNY SANTOS GERRY TEVES at ni BIG MAMA Castillo.
Ang EGAY kupal ding ito ang paborito umanong buwisita (visitor) ng mga newspaper publishers/editor-in-chief at mga kolumnista particular na yaong mga tabloid.
Ang kupal po kasing ito ang taga-hatag ng ‘payola’ mula sa mga bigtime smugglers ng Aduana.
Takot din ang mga bigtime players ng BOC dito kay EGAY KUPAL dahil maimpluwensiya rin umano ito sa ilang mga senador at tongresista na pasok din sa proteksyon ng smuggling sa BOC.
Baka kasi may magpaandar na mambabatas at gawing ‘state witness’ ang kupal na si EGAY at pakantahin sa Senado.
Tiyak na hindi lamang ang kanyang mga among sina SANTOS , TEVES at BIG MAMA ang tatamaan kundi ang mga high placed protectors nito sa pamahalaan.
Baka masabit pa sina Customs Commissioner John Philip Sevilla at dalawa nitong depcoms na sina Jesse Dellosa at Ariel Nepomuceno.
Hindi lamang umano sa print media malakas itong si EGAY KUPAL kundi maging sa mga radio broadcasters at TV executives.
Bakit kaya hindi mahubaran ng mascara itong si EGAY KUPAL na kasabwat si ARIS na taga CIIS na madami din Luxury cars. ng mga taong nagnanais na burahin sa mapa ng BOC ang mga talamak na smugglers.
Sadya bang malapit kay Commissioner Sevilla itong si BOSS. EGAY?
At sino si ARIS Car Smuggling sa Subic? Nagtatanong lamang po mahal naming Commissioner!
SAMO’T SARING ISYU, NAGSUSULPUTAN SA PASAY
Apat umano sa mga konsehal ng siyudad ang binansagan ngayong “ 4 NA HUDAS”.
Very timely ang ipinupukol na monicker sa apat na konsuhol este konsehal dahil nga sa MAHAL NA ARAW na.
Ang apat ay inaakusahang tumanggap ng tig Php 1.5-M para sa railroading ng renovation project ng city hall na nagkakahalaga ng tumataginting na Php308-M.
Ang tindi naman nito gayong ang aayusin lamang ay ang buong 2nd floor ng Pasay City Hall at ang ‘façade’ ng main entrance nito sa ground floor.
Ayon sa mga eksperto, doble ang tongpats ng nasabing proyekto na ang pondo ay kukunin sa inutang ng city government sa bangko para sana sa pagpapatayo ng bagong city hall.
Ngayon ngang ibinenta na ni Mayor Tony Calixto sa SM ang lupa na sana’y pagtitirikan ng itatayong city hall sa reclamation area ng Pasay, gagastusin na lamang umano ang bahagi ng pondo sa renovation ng lumang city hall diyan sa FB Harrison.
Kailangan itong maaprubahan ng city council, kaya pumirma na agad ang apat na konsuhol na Hudas kapalit ng Php 1.5-M.
Ang masakit, may dalawang bidders na umano para sa nasabing proyekto ngunit sa pag-iimbestiga ng inyong lingkod, iisang tao lamang ang nagmamay-ari ng dalawang kumpanyang ito.Lutong Macao nga ba ang magiging bidding-biddingan na ito?
ANG BUGOK NA SI MAJOR DE BOTE
Sino itong si alyas Major De Bote ng Northern Police District Office (NPD ) na ubod ng angas kung makaharbat sa mga iligalista diyan sa Northern Metro Manila.
Kaladkad umano ng kolokoy na police major ang pangalan ni NPD Director, Gen. Miano.
Naka-aasign umano ang bugok na si Maj. De Bote diyan sa NPD-DSOU.Nanghihingi na nga ng payola itong si Major De Bote, siya pa ang galit at mahilig magmura.
Kanino kaya kumukuha at humuhugot ng kapal ng mukha itong si Maj. De Bote?
Kanino kaya Director Carmelo Valmoria sir?
May ugali pa itong si major na mang-arbor ng alak na Fundador sa mga sugalan sa kanyang AOR.
Hindi lamang pala sa kuwarta masiba itong si Major De Bote, pati pala sa alak ay patay-gutom ang walanghiya.Kapag naatraso ang bigay na alak sa kupal ay nanggagalaiti ito sa galit na para bang sangkaterba ang patagong alak.
Mapili pa ang tarantado, gusto FUNDADOR pa!
***
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]