Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagyo papasok sa biyernes santo — PAG-ASA

FRONTMALAKI ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) sa karagatang Pasipiko na nagbabantang pumasok sa Filipinas sa su-sunod na linggo.

Ayon kay Gener Quitlong ng Pagasa-DoST, maaaring pumasok na Philippine area of responsibility (PAR) ang sama ng panahon sa Biyernes Santo at maaaring isa na itong tropical depression o bagyo na papangalanang Chedeng.

Hindi pa matiyak ng Pagasa kung magkaroon ng landfall ang naturang sama ng panahon dahil maaaring dumiretso ito sa Timog Japan o kaya ay tumbukin ang Luzon.

Ngunit ayon kay Quitlong, kahit hindi mag-landfall, sa lawak ng sirkulasyon ng sama ng panahon ay maaaring mararamdaman na ang mga pag-ulan sa Luzon sa Sabado de Gloria o Linggo.

Ang tanging tiyak aniya ngayon ay papasok ito sa karagatang sakop ng Filipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …