Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VIP security officer dedo sa kabaro

Police Line do not crossPATAY ang isang VIP security officer makaraan barilin ng kanyang kasamahan na sinita dahil hindi sumasagot habang tinatawagan sa radyo kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Manila Adventist Hospital ang biktimang si Nicky Albert Arevalo, 34, ng Block 54, Lot 22, F2, Dagat-Dagatan, Caloocan City, sanhi ng ilang tama ng bala sa kaliwang dibdib, kanang katawan at kaliwang hita mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Rolly Algarme, nasa hustong gulang, may asawa, isa ring VIP security officer, nakatira sa ARESCOM, Fort Bonifacio, Taguig City.

Sa report na natanggap ni Pasay City Police Officer-In-Charge (OIC), Sr/Supt. Sidney Hernia, naganap ang insidente dakong 1:15 a.m. sa loob ng isang pribadong parking lot sa Leveriza St., ng naturang lungsod.

Bago ang pamamaril, tinatawagan ng biktima ang suspek sa handheld radio, ngunit hindi sumasagot.

Dahil sa hindi pagsagot ni Algarme sa radyo, nainis ang biktima hanggang nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa.

Sa kainitan ng pagtatalo, binunot ng suspek ang kanyang service fire arm at tatlong ulit pinaputukan ang biktima.

Duguang bumulagta ang biktima na dali-daling dinala ng kanyang mga kasamahan sa ospital ngunit habang nilalapatan ng lunas ay namatay.

Ang suspek ay mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril.

Nasaksihan ang insidente ng kasamahan din nilang VIP security officer na sina Melquides Quides at Jhun Bonillo.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.

Manny Alcala

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …