SALUBUNGIN natin si baby sa healhty feng shui nursery. Simulan ito sa pagbubuo ng magandang pundasyon sa baby’s room.
*Dapat may harmony ng soft feng shui colors sa nursery. Tumingin sa iba pang mga kulay bukod sa traditional pink o blue at pumili ng talagang gusto mo, ang kulay na magpapapagaan ng inyong pakiramdam.
*Maglagay ng iba’t ibang sources ng ilaw sa nursery na gagamitin sa iba’t ibang oras sa araw at gabi; ito ay makatutulong para sa balanced feng shui enegy.
*Ipuwesto ang baby’s bed nang malayo sa pintuan at limitahan ang electrical appliances na malapit sa crib. Ang general feng shui guidelines para sa adult bed ay maaari rin sa baby’s bed – huwag ilalagay ang crib nang masyadong malapit sa pintuan o nakalinya rito; sa gitna ng pintuan nang walang suporta, o sa ilalim ng bintana.
*Gumamit ng natural materials kung posible, sa baby’s bedding, nursery curtains, flooring, rugs, furnitures at mga laruan. Pumili ng kahoy imbes na plastik.
*Tratuhin ang baby’s sense of smell nang maayos; buksan araw-araw ang mga bintana para makapasok ang hangin at e-enjoy ang gentle essential oils, katulad ng chamomile, rose, vanilla at lavender.
Magbuo ng good feng shui room para sa inyong baby, huwag lamang lagyan ng palamuti ang lugar. Ito ay tungkol sa pagpapakita ng unconditional love, care and adoration sa inyong baby, gayondin sa pagtiyak ng suporta sa kanyang paglaki at sa matagal ninyong pagsasama.
ni Lady Choi