Wednesday , January 8 2025

Ang Karibal ni Kevin kay Maybelle (Part 7)

00 karibalBAGO TUMUNGO SA MIDDLE EAST SI KEVIN AY SINAGOT SIYA NI MAYBELLE

Pero nagkasakit ito ng TB, naglubha sa pagdaraan ng mga araw at binawian ng buhay. Kaya nga hindi niya pwedeng paniwalaan ang mga nagyayabang na walang magugutom na mamamayang Pinoy basta’t may sipag at tiyaga sa paghahanapbuhay. Sampung taon pa lamang siya noon.

Dinatnan ni Kevin nang gabing iyon ang maagang pagsasara ni Maybelle ng binabantayang tindahan na wala nang kalaman-laman ng mga paninda at nilalampas-lampasan na ng mga dating suki.

“Nakapamasyal ka na ba sa Luneta?” pasakalye niya kay Maybelle.

“Oo naman…” ang mabilis na sagot nito. “Grade six ako nu’ng isama ni Inay du’n.”

“Baka mapa-wow ka, ibang-iba na ngayon ang Luneta…” panimula ng pagpukaw niya sa interes ng nililigawan.

“Ow? Ano ba ang mayro’n dun nga-yon?” naitanong ni Maybelle.

“Naku, marami…” pagbibigay-diin niya.

At makulay niyang inilarawan ang gawa-gawang lagoon, ang palaruan ng mga bata, ang Chinese at Japanese Garden at pati na ang kaiga-igayang tanawin sa paglubog ng araw sa Manila de Bay.

“Kung okey sa ‘yo, sama ka sa ‘kin du’n sa Sunday,” hirit niya.

Naipagsama niya si Maybelle sa pamamasyal sa Luneta. Agaw-dilim at liwanag nang pumasok sila nito sa Japanese Garden. Pakuwento-kuwento lang muna siya sa pagkakaupo nila roon sa damuhan.

“Baka next week, lipad na ‘kong pa-Middle East…Ano’ng gusto mong pasalubong pag-uwi ko?” patay-malisyang panghahawak niya sa palad ni Maybelle.

“Ikaw?” pitlag nito.

“Talaga? Ako ang gusto mo?” pag-ee-ngot-engotan niya.

“Ibig kong sabihin, okey lang kung ano man ang ibigay mo sa ‘kin…” paglilinaw ng kanyang nililigawan.

“’Kala ko pa naman, e love mo rin ako…” aniya sa swabeng pag-atake.

“Sasama ba ‘ko rito kung… kung wala akong gusto sa ‘yo,” nasabi ni Maybelle sa pagyuyuko ng ulo. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

 

About hataw tabloid

Check Also

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *