Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bowles todo-ensayo para sa quarters

 

ni James Ty III

032715 denzel bowles

HANDA ang import ng Purefoods Star na si Denzel Bowles para sa aksyon sa best-of-three quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup mamaya kontra Alaska.

Katunayan, dagdag na ensayo ang ginawa ni Bowles sa kanyang mga tira sa labas at sa ilalim para paghandaan niya ang kanyang sarili sa match-up kontra sa import ng Aces na si Damion James.

Isang linggong pahinga ang Hotshots pagkatapos ng kanilang mga asignatura sa eliminations kung saan tumapos sila sa ikatlong puwesto at kinapos sila para sa twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals.

Apat na sunod na panalo ang naitala ng Purefoods mula noong dumating si Bowles sa kalagitnaan ng torneo mula sa kanyang paglalaro sa Chinese Basketball Association.

Dinala ni Bowles ang Hotshots sa korona ng Commissioner’s Cup noong 2012 ngunit noong 2013 ay natalo sila sa semis ng torneo kontra Alaska kaya nais niyang gantihan ang nasabing pagkatalo ng kanyang koponan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …