Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bilangguang Walang Rehas (Ika-3 Labas)

00 bilangguanSa pansin niya, sila lang nina Gardo at Carmela ang mahilab-hilab sa mga kabataang lalaki at babae na makakatrabaho nila sa isa umanong pabrika.

“Doon, bawal ang tamad… ‘Yung maraming reklamo sa buhay, e walang puwang du’n… Kaya magpakabait kayong lahat,” ang karagdagan pang tagubilin sa kanila ni Mang Pilo.

Walang ideya si Digoy sa kanilang destinasyon. Dahil sa malawak na karagatan ang dinaanan nila sa pagbibiyahe, hindi rin niya alam kung nasaang bahagi na sila ng mundo. Basta’t sa tantiya niya, hindi pa naman sila nakalalayo ng sariling bansa.

Napansin niya ang pananahimik ni Carmela, mukhang naglalakbay din ang diwa kung saan-saan. Kay-amo talaga ng mukha ng dalagang itinatangi niya. Mas maganda siya sa malapitan.

Noon, lagi pa niyang nakakalaro sa ta-bing-dagat si Carmela. Doon sila nagtatakbuhan at naghahabol-habulan. Bago ang paliligo nila sa mangasul-ngasul na tubig dagat sa repleksiyon ng mga ulap sa kala-ngitan ay nagtatabon muna sila sa kani-kaniyang sarili ng pinong puting buhangin doon. O kaya ay gumagawa sila roon ng kastilyong buhangin.

“Pataasan tayo ng tumpok, ha?” paghahamon sa kanya ng dalagitang dose anyos pa lang yata ng mga panahong yaon.

Pero nang magbinata at magdalaga na sila ni Carmela, dahil sa pagtulong-nito sa inang gumagawa ng balanggot at bayong ay naging bihira na ang kanilang pagkikita. Nang muli niya itong makatagpo sa ta-bing-dagat ay para nang may mataas na pader na nakapagitan sa kanilang dalawa.

Walang sabi-sabi siyang nilayuan ni Carmela. Nang ihatid niya ng tanaw, ang bawa’t bakas ng mga paa nito sa buhanginan ay binubura ng alon na humahalik sa dalampasigan.

“Ba’t kaya niya ako biglang iniiwasan?” naitanong niya sa sarili. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …