Aries (April 18-May 13) Bigla ka na lamang naging mahalaga sa iyong boss. Dagdagan pa ang kasipagan.
Taurus (May 13-June 21) Makagagawa ka nang seryosong progreso sa ano mang mithiing mahalaga sa iyo – bagama’t ang mga ito ay mahalaga lamang sa kasalukuyan.
Gemini (June 21-July 20) Ang mga ito man ay facts, hindi ibig sabihing ang mga ito ang tanging katotohanan.
Cancer (July 20-Aug. 10) Isang bagay ang humihila sa iyo patungo sa wild side; hindi naman masama kung paminsan-minsan ay makikilahok ka rito – go for it.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ito na ang pagkakataon mong tapusin ang iyong sinimulan – huwag babagal-bagal.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang resulta ng iyong ginagawa ngayon ay naririyan na – at ito’y dahil sa iyong impluwensya.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) May matatagpuan kang bagong social outlet ngayon – bagay na maaaring ikasorpresa mo.
Scorpio (Nov. 23-29) May darating ngayon na bihirang oportunidad. Ano man ang posibleng mangyari ay nakadepende sa iyo.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Kung hindi pa handa ang isang taong siya’y tulungan, ang paglapit sa kanya ay tiyak na magdudulot lamang ng tensyon.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Kung gusto mo ito, humingi ka – ang well-timed request ay maaaring magbuo nang higit pang oportunidad.
Aquarius (Feb. 16-March 11) May masasaksihan kang kakaibang mga panoorin at mga rebelasyon ngayon – at lalabas ang ilang creative ideas.
Pisces (March 11-April 18) Magdaragdag ng init sa bagong romansa ang poetry, love letters at iba pang artistic expressions.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ikaw ay komportable sa pagbabago – nakikita mong ang mga bagay ay posibleng magbago ng anyo.
ni Lady Dee