Sunday , December 22 2024

Agusan Norte gov ligtas sa ambush

matbaBUTUAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte sa pananambang sa convoy ni Governor Ma. Angelica Rosedell Amante-Matba dakong 11:30 a.m. kahapon na nagresulta sa pagkasugat ng isa niyang police escort.

Kinilala ang biktimang si PO1 Vincent Salvador, miyembro ng Provincial Public Safety Company ng Provincial Police Office, tinamaan sa kanyang kaliwang braso.

Napag-alaman mula kay SPO4 Zaer Peroy, ligtas sa pananambang sina Gov. Matba, Nasipit Municipal Mayor Enrico Corvera pati na ang iba pa nilang kasamang mga pulis.

Napag-alaman, nagmula ang grupo ng gobernadora sa turn over ng school building sa Purok 8, Sitio Mimbahandi sakop ng Brgy. Camagong sa naturang bayan.

Dakong 4 a.m. kahapon nang magsadya sa nasabing lugar ang mga opisyal kasama ang escort na mga personahe ng PPSC at papauwi na sana nang paputukan ng armadong grupo.

Saglit lang ang pangyayari dahil tumakas agad ang  pinaghihinalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) nang sila’y paulanan din ng bala ng escort policemen ng opisyal.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *