Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

20-anyos bebot dinukot ng kelot

101614 rape girl abusedNAILIGTAS ng mga tauhan ng Manila Police District PS 5 ang isang 20-anyos babae  sa follow-up operation sa Valenzuela City kamakalawa makaraan dukutin ng isang 23-anyos lalaki nitong Marso 15 sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila.

Nakapiit na himpilan ng pulis-ya ang suspek na si Ibrahim Giama, walang asawa, ng Block 15, Baseco Compound, Tondo, Maynila, sinampahan ng kasong serious illegal detention, physical injury in relation to R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004).

Ayon kay Supt. Romeo Juan Macapaz, hepe ng Ermita Police Station 5, dakong 12:49 p.m. nang matagpuan ang biktimang itinago sa pangalang Michelle, sa isang bahay sa Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Nauna rito, noong Marso 15, naglalakad ang biktima kasama si Marissa Gaa, 40, sa Roxas Blvd.  patungo ng Luneta nang lapitan sila ng suspek at pilit na isinakay sa tricycle si Michelle.

Nang makarating sa Intramuros, sinabi ng suspek na ihahatid niya ang biktima sa kanilang bahay sa Baseco Compound, Tondo, Maynila ngunit nagulat siya nang dalhin siya sa Valenzuela City.

Habang agad nagtungo si Gaa sa himpilan ng pulisya at ini-report ang insidente. 

Sa follow-up operation ng mga tauhan ng MPD PS 5 at sa tulong ng mga tauhan ng Valenzuela City Police PCP 12, natunton ang kinaroroonan ng biktima at nasagip habang naaresto ang suspek na lango sa alak at droga.         

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …