Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

8 manyak pila-balde sa dalagita

111114 rapeMAAGANG napariwara ang puri ng isang 15-anyos dalagita makaraan halinhinang gahasain ng walong kabataan sa isang abandonadong kubo sa Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng madaling araw.

Agad naaresto ng pulisya ang mga suspek na sina Jaymark Alfonte, 18; Ariel Cierva, 22; Albert Cierva, 21; Rowell Capistrano, 21; Resty Talangan, 20; Delfin Beraquit, 19; at  dalawang menor de edad na lalaki, pawang nakatira sa M. Santiago Street sa naturang barangay.

Sa ulat mula kay PO2 Junelyn Dela Cruz ng Sta. Maria PNP Women’s and Children’s Complaint Desk , magkasamang nag-iinoman ang mga suspek nang alukin ang biktima na noon ay naglalakad.

Nabatid na dahil kakilala, pinagbigyan ng biktima ang alok ng mga suspek na maki­pag-inoman hanggang makaramdam ng pagkahilo makaraan ang ilang tagay ng alak.

Sinamantala ng suspek na si Alfonte ang pagkahilo ng dalagita, dinala siya sa abandonadong kubo at ginahasa ang biktima. Nang matapos si Alfonte ay sumunod na gumahasa sa biktima ang iba pang mga suspek.

Pagkaraan ay iniwanan ng mga suspek sa kubo ang biktima na iika-ikang umuwi ng bahay at nagsumbong sa tiyahin na siyang nagdala sa kanya sa himpilan ng pulisya at naghain ng reklamo.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …