Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

LRT operation ititigil sa Semana Santa

042914 LRTPANSAMANTALANG ititigil ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT ) Line 1 at Line 2 sa Semana Santa (Abril 2 hanggang Abril 5), pahayag ng pamunuan ng LRTA kahapon.

Sinabi ng tagapagsalita ng LRTA na si Atty. Hernando Cabrera, mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay ay walang biyahe ang kanilang mga tren sa LRT Line 1 at Line 2.

Bandang 8 pm, Miyerkoles Santo ang alis ng huling commercial train sa magkabilang dulo ng LRT Line 1 (Baclaran at Roosevelt Terminal).

Habang sa Line 2, dakong 8 p.m. ang alis ng huling biyahe sa Santolan Station, at 8:30 sa Recto Station.

Ayon kay Atty. Cabrera, ang tigil operasyon ay bahagi ng kanilang taunang maintenance.

Ibabalik ang operasyon ng mga tren sa Lunes (Abril 6) dakong 5 a.m.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

POLPHIL

Suspensiyon ng fuel excise tax hiniling sa pagtaas ng presyo ng langis

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang matibay nitong suporta sa panawagan ni …

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …