Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 coco farmer nangisay sa koryente

Police Line do not crossKALIBO, Aklan – Patay ang dalawang lalaki nang makoryente habang nangunguha ng niyog sa Altavas, Aklan kamakalawa.

Kinilala ni PO3 Venus Olandesca ng Altavas PNP station, ang mga biktimang sina Joseph Lorempo, 44, residente ng Man-up, Batan, at Ali Gonzaga, 46, ng Poblacion, Altavas.

Base sa report, habang nangunguha ng niyog si Lorempo ay nahulog ang isang bunga sa linya ng koryente dahilan para lumaylay ito.

Agad lumapit si Gonzaga upang ayusin ngunit bigla siyang nangisay dahil live wire pala ang kanyang nahawakan.

Nang makita ni Lorempo ang pangyayari, agad siyang bumaba sa puno ng niyog at tinulungan ang kaibigan, ngunit nangisay rin.

Agad isinugod sa Altavas District Hospital ang dalawa ngunit patay na nang makarating dahil sa malakas na boltahe ng koryente mula sa Aklan Electric Cooperative.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …