Kinalap ni Tracy Cabrera
KAMAKAILAN, inihayag ni Russian President Vladimir Putin na lahat ng nagtatrabaho sa ilalim niya ay magkakaroon ng 10 porsiyentong paycut, o pagbawas sa kanilang suweldo, dahil sa lumalalang mga economic sanction na ipinataw sa kanilang bansa.
Kung aktuwal na mararamdaman man ni Putin at ng kanyang staff ang sinasabing kabawasan sa kanilang suweldo ay hindi pa matiyak, lalo na sa dahilang sinasabi ni Putin na hindi siya ‘aware’ sa halagang nakalagay sa kanyang mga paycheck.
“Prangkahan lang, hindi ko alam kung magkano ang suweldo ko; ibinibigay lang nila ito sa akin, at inilalagay ko sa aking account,” pahayag umano ng Russian leader sa mga mamamahayag sa taunang question-and-answer session tuwing Disyembre.
Kung ihahambing ang suweldo ni Putin sa isang punong minsitro ng isang isla na mas maliit pa sa lungsod ng New York, barya lang ito!
Tumatanggap ng 12 at kalahati ng suweldo ni Putin si Lee Hsien Loong ng Singapore na umaabot sa US$1.7 milyon. Ang halaga ay kayang bayaran ang pinagsamang suweldo ng mga lider ng India, Brazil, Italy, Russia, France, Turkey, Japan, United Kingdom, South Africa at Germany.
Ang Singapore ay hini-rang din na world’s most expensive city sa ikalawang taon, ayon sa bi-annual Worldwide Cost of Living report ng The Economist.
Bukod sa punong ministro ng Singapore, narito naman ang mga suweldo ng 12 sa pangunahing mga pinuno sa mundo:
President Barack Obama, United States – US$400,000
Prime Minister Stephen Harper, Canada – US$260,000
Chancellor Angela Merkel, Germany – US$234,400
President Jacob Zuma, South Africa – US$223,500
Prime Minister David Cameron – US$214,800
Prime Minister Shinzo Abe, Japan – US$202,000
President Recep Tayip Erdogan, Turkey – US$197,400
President François Hollande, France – US$194,300
President Vladimir Putin, Russia – US$136,000
Prime Minister Matteo Renzi, Italy – US$124,600
President Dilma Rous-seff, Brazil – US$120,000
Prime Minister Narendra Modi, India – US$30,300
Kung ihahambing dito sa Pilipinas, ang tinatanggap na suweldo ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ay umaabot lamang sa PhP90,000 kada buwan, o US$5,898.69