Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘K to 12’ wala pang pondo

ni Tracy Cabrera

032415 deped k12

KINUWESTYON kahapon ni Suspend ‘K to 12’ coalition convenor Rene Luis Tadle ang kakulangan ng preparasyon para sa pagpopondo ng K to 12 program na pinipilit umanong isabatas ng Department of Education (DepEd).

Sa Tapatan sa Aristocrat media forum, idiniin ni Tadle na nabigo ang mga proponent ng panukalang batas na patunayang handa ang DepEd para maipatupad ang buong programa.

“Para mapaganda ng K to 12 ang kalidad ng basic education sa ating bansa, kailangan munang maglagay ng mekanismo na tutugon sa lahat ng mga isyu na lilitaw kaugnay sa mga problema ng kontraktuwa-lisasyon ng mga teacher at iba pang mga usapin,” aniya.

Sumang-ayon din kay Tadle si Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list representative Antonio Tinio na tumukoy sa problema ng mga guro, kakulangan ng silid-aralan, mga aklat at iba pang resource shortage na umaantala sa malayang pagpasok ng kabataan sa edukasyon.

“Para tunay na mapaganda ang ating edukasyon sa pamamagitan ng K to 12, kailangan munang maresolba ang ilang kakulangan. Nakalulungkot na wala ito sa panukalang batas,” ani Tinio.

“Sa paglikha ng 61,510 teachers item, hahatiin ng adminsitrasyong Aquino ang kasalukuyang kakula-ngan ng mga titser ngunit nabigo ang mga tumutulak ng K to 12 na ipakita na itong en masse hiring ay masu-sustain sa susunod na mga taon. At paano pa iyong ibang mga critical resources?” tanong niya.

Idinagdag pa ni Tinio na hindi pa nade-develop ng DepEd ang bagong curriculum para sa lahat ng mga grade level, kabilang ang Kinder at karagdagang da-lawang taon sa high school.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …