Monday , November 18 2024

Jockey Christopher Garganta at ang tulong ng KABAKA foundation

00 dead heatBAGO pa lang naghihinete o apprentice jockey ay nakitaan na si Christopher “Tope” Garganta ng husay sa ibabaw ng kabayo. May dalawang taon din siya sa Philippine Jockey Academy nag-aral. Si Ginoong Raymond Puyat, isang businessman at horse owner ang nag-isponsor sa kanya upang makapasok sa academy.

Noong una ay nanonood lang siya sa mga nag-eensayong hinete sa loob ng karerahang ng lumang Santa Ana Park. Isang kaibigan na nakilala niya ang nag-alok sa kanya kung gusto niyang maghinete. Hindi raw siya nag-dalawang isip at sumama siya dito.

Sa kuwadra nina Arthur Buenaflor siya dinala at dito siya naging isang sota o helper ng mga pangarerang kabayo. Dito rin siya natutong sumakay at mag-ensayo ng mga kabayo.

Ngayon ay isa nang professional jockey si “Tope” tawag sa kanya ng kapwa niya hinete. Ang kaunaunahang kabayong ipinanalo niya sa aktuwal na laban ay ang Luck Of The Irish na dehado sa Daily Double Event.

Nahulog na rin siya sa ibabaw ng kabayo sa aktuwal na laban. Sakay siya ng kabayong Betcha By Golly Wow nang biglang may nadapang kabayo sa unahan. Walo silang sabay-sabay nahulog. Nagtamo siya ng bali sa kamay dahil sa aksidenteng iyon. Matagal din siyang nagpahinga bago siya nakabalik sa pag-sakay.

Sa lahat ng mga hinete, si Jesus “El Maestro” Guce ang kanyang hinahangaan at talagang bilib siya sa pagdadala nito sa ibabaw ng kabayo.

Mahirap maging “Freelancer” na hinete, mas maganda kung may amo ka na may-ari ng mga kabayo. Kung may amo ka lagi kang may sakay sa mga aktuwal na laban.

“Lagi kang HAPPY kung lagi kang nananalo sa bawat karera,” pangwakas ni jockey Christopher Garganta.

oOo

Isang class A jockey ang magaling na umarte sa ibabaw ng kabayo. Outstanding favorite ang kanyang sakay sa karera tumakbo at ito ay kanyang nagawang ibiyahe o iperder sa harap ng mg Board Of Stewards.

Bakit hindi napapatawan ng parusa ang mga ganitong hinete na garapal magbiyahe? Napapanood ng Bayang Karersita ang ginawa ng isang hinete kung totoong laban o labas ang kanyang sakay.

Bigyan sana ng mga hinete ng pag-asa ang tumataya sa kanila. Outstanding ang sakay ng isang hinete tapos makikita sa TV monitor na BIYAHE ang sakay nito.

GANITO NA LANG PALAGI ANG NAPAPANOOD NG BAYANG KARERSITA!

 

UGNAYAN SA BARANGAY

Nagdaos ng Ugnayan sa Barangay ang KABAKA noong nakaraang Linggo sa may Jesus St.,cor. Nagtahan, Pandacan, Manila. Si Manila 5th district Congressman at Chairman ng Sampaloc, Manila Red Cross Amado S. Bagatsing ang humarap sa mga Barangay Chairman na sakop ng District 5, Manila.

Ipinaliwanag ni Congressman Bagatsing kung ano ang tunay na layunin ng KABAKA para sa mga Manilenyong mahihirap sa buhay. Kung Chapter president o kamag-anak na miyembro ng KABAKA tiyak makakatanggap ng taos pusong tulong mula sa KABAKA FOUNDATION.

Libreng check-up sa bawat maysakit at libreng gamot ang ibibigay ng KABAKA sa mga naninirahan sa Lungsod ng Manila.

Nagkaroon ng panunumpa ng KABAKA President Chapter sa Barangay 511 zone 50 District IV, Manila sakop ni Barangay Chairman Arnold B. Ginete. Si Congressman Amado S. Bagatsing ang Inducting officer na ginanap sa open basketball court sa Antipolo st., Sampaloc, Manila.

oOo

Nagpapabati sa ating kulom ang mga batang Savory OTB sa Sampaloc, Manila. Si Mr. Reli de Leon ang may-ari ng kabayong MABSOY. Ang mga magkakaibigan na sina Kate Cruz, Elvis, Dante, Ariel, Kambal at lahat ng staff ng Tokyo 88.

 

ni Freddie M. Mañalac

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *