Monday , November 18 2024

UP naghahanda kahit walang coach

ni James Ty III

032315 up fighting maroons

TULOY pa rin ang paghahanda ng University of the Philippines men’s basketball team para sa darating na Season 78 ng University Athletic Association of the Philippines kung saan ito ang magiging punong abala.

Habang wala pang kinukuhang permanenteng coach, ang Amerikanong trainer na si Joe Ward ang pansamantalang hahawak sa Maroons na kasali sa Filsports Basketball Association, bukod sa mga pre-season tournaments na sasalihan nila sa susunod na buwan.

Hanggang ngayon ay inaayos pa ng search committee ng UP ang paghanap ng bagong coach na papalit kay Rey Madrid na sinibak pagkatapos na isang panalo lang ang naitala ng Maroons noong Season 77.

“It’s too early to tell but we’re working our way towards being ready for the UAAP,” wika ni Ward na dating athletic trainer ng Barangay Ginebra San Miguel sa PBA. “I’m ready for the challenge (kung pipiliin ako bilang permanenteng coach). If we play well, we can beat a lot of people. We’re going to play hard on defense and we will run a lot.”

Ilan sa mga kandidato para sa pagiging bagong coach ng UP ay sina Ward, Eric Gonzales, Caloy Garcia, Siot Tanquingcen, Bong Ramos, Frankie Lim, Allan Gregorio at Beaujing Acot.

 

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *