Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Kasal at sigawan

102814 marriage wedding ring

00 PanaginipGud am po sir,

Nagdrim aq na may kinaksal, d q sure qng aq o iba basta may mga tao na nakasuot pangkasal e, tas daw ay may sigawan, d q rin sure qng ngkktuwaan lng o ngaaway, yun po drim q plz paki interpret, kol me Joanna en plz dnt pablis my cp #, tnx!!

To Joanna,

Ang bungang tulog hinggil sa kasal ay maaaring nagsasaad ng ukol sa commitment, harmony o transitional period. Ikaw ay maaaring sumailalim sa isang mahalagang pagbabago sa iyong buhay. Ang ganitong panaginip ay maaaring nagre-represent ng pagsasanib ng dating magkahiwalay o magkaibang aspeto ng iyong pagkatao. Posible rin na nagpapahiwatig ito ng pagsasama ng iyong masculine o feminine na aspeto ng iyong sarili. Dapat ikonsidera ang mga qualities at characteristics ng taong pakakasalan mo sa iyong panaginip, sakaling ikaw nga ang ikakasal. Maaaring nagpapahiwatig din ito na dapat mong isama ang mga quality na ito para sa iyong sarili. Posible rin na ito ay may kaugnayan sa iyong inaasam na kaligayahan at kapayapaan sa buhay, kapag ikaw ay lumagay na sa tahimik. Maaari rin na ito ay simbolo ng new beginning o transition sa iyong kasalukuyang buhay. May kaugnayan din ito sa commitment at independence. Alternatively, posible rin na ang iyong napanaginipang wedding ay may kaugnayan sa damdamin ng bitterness, sorrow o death. Ang ganitong panaginip ay kadalasang negatibo at nagha-highlight ng ilang anxiety o fear. Kaya dapat na alisin ang mga negatibong elemento sa iyong sistema at palitan ito ng positibo.

Ang ukol naman sa sigawan o pagsigaw, ito ay posibleng may kaugnayan sa repressed anger na dapat na mailabas. Posible rin naman na kung walang pumapansin sa pagsigaw o sumisigaw, ito ay nagsasabi na ikaw ay nao-overlook sa ilang pagkakataon o sirkumstansiya na sa pananaw mo, ang iyong boses o opinyon ay walang halaga o nababalewala.

Señor H.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …