Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nurse pumatay ng mahigit 30 pasyente

kinalap ni Tracy Cabrera

022315 niels h nurse germany

NAGPAUMANHIN sa mga kamaganak ng biktima ang isang dating nurse na umaming pumatay sa mahigit 30 pasyente sa pamamagitan ng pagsaksak ng gamot bilang laro at pampawi ng pagkabagot.

“I am honestly sorry,” pahayag ng 38-anyos sa kanyang paglilitis, na nahaharap sa tatlong kaso ng murder.

“Kadalasan ang desisyon ay relatively spontaneous,” dagdag ng defendant, na kinilala lamang bilang Niels H. sa ilalim ng court reporting rules ng Germany.

Sinabi rin ng akusado na alam niyang hindi puwedeng balewalain ang kanyang ginawa at umaasa si-yang kung mahahatulan ay makatutulong na magkaroon ng kapayapaan ang mga mahal sa buhay ng kanyang mga napatay.

Sumailalim sa paglilitis ang dating nurse sa Oldenburg sa northern Germany noong Setyembre ng nakaraang taon, sa kasong murder ng tatlong pasyente at attempted murder ng da-lawa pa, gamit ang isang heart medication na nagpapababa ng blood pressure.

Inihayag ng isang psychiatric expert na umamin ang nurse sa kanyang krimen at ikinumpisal nito na ginawa niya ang over-medication sa 90 pang pasyente, na sa na-sabing bilang ay 30 ang namatay.

Ipinaliwanag ni Niels na ang motibo niya ay lumikha ng medical emergency para maipakita niya ang kanyang resuscitation skills, ngunit ginawa rin niya dahil sa pagkabagot.

Ayon sa akusado, maligayang-maligaya siya ka-pag nagawa niyang buhayin ang pasyente, at talaga namang nagdadalamhati kapag siya’y nabigong gawin ito.

Sa bawat pagkakataon na namatay ang pasyente, ipinangako niya sa kanyang sarili na ititigil na ang nakakiakilabot na laro, ngunit naglalaho rin ang kanyang determinasyon pagkatapos nito.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …