Monday , January 6 2025

Nawalang pag-ibig mapababalik ba sa feng shui?

032315 love yin yang

00 fengshuiSADYANG masakit ang mawalan ng minamahal. Marami sa atin ang nakaranas ng magandang love relationship, ngunit nauuwi rin sa wala kalaunan.

Maaari bang makatulong ang feng shui dito? Makatutulong ang feng shui sa paghikayat ng energy of love patungo sa inyong buhay, ngunit hindi maaaring maging “person-specific.”

Upang matanggap ang energy of love, kailangan na ganap kang nakabukas para sa love, habang naka-focus sa specific person na hindi maitaboy ang flow of energy. Ito ay dahil pinapasok mo ang personal energy boundaries ng ibang tao.

Ang iyong dating karelasyon ay maaaring nasa kapareho mong emotional space, o maaaring pinili niya ang ibang space, ang kanyang sariling landas. Sa pamamagitan ng pagiging totoo sa iyong sariling landas, gayonpaman, tiyak na kung saan patungo ang iyong enerhiya, kaya naman dapat buksan ang iyong puso para sa kanya (kung posible) upang ma-clear ang “energy residue” sa pagitan n’yong dalawa.

Bagama’t hindi na muling mapanunumbalik ang relasyon, ito ay hakbang na naglalahad na ang pagmamahal ay naroroon pa rin, at sa pamamagitan ng pagpapakawala nito, ang enerhiya nito ay matatagpuan ang tamang daan patungo sa iyong ikabubuti. Gayonpaman, kung ang pagmamahal ay malakas pa rin at patuloy sa pagdaloy sa magkaparehong direksyon, maaaring may masumpungan kang magandang sorpresa.

Palakasin ang iyong sariling enerhiya, gayondin ay buksan ang iyong space para sa malakas na daloy ng energy of love.

Sa pagkakaroon nang malakas na personal energy field, matutulungan kang manatili sa sandali at mapaghilom ang iyong puso, at minsan sa pagpapahilom ay kasama ang pighati at pagtanggap sa nangyari.

ni Lady Choi

 

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *