Monday , November 18 2024

Phl Memory 2nd overall sa Singapore

ni ARABELA PRINCESS DAWA

032115 memory ph

 

NAG-UWI ng karangalan ang Philippine Memory Kids team matapos mahablot ang second overall sa Kids Division sa katatapos na 1ST Singapore Open Memory Championship na ginanap sa 1010 Dover Road Singapore Polytechnic Graduates’ Guild (SPGG) Singapore 139658.

Pumitas ng tatlong silver medals sa Names and Faces, Ten minute card at Speed cards ang grade five student ng Nangka Elementary School sa Marikina na si Dorothy Sorio Elenzano para iuwi ang silver medal overall.

Nasukbit din ni Elenzano ang bronze sa speed numbers.

Bumakas din ng bronze position sa Abstract Images at Binary digits event si Joel Micus Lolong para siguruhin ang pagkuha sa 2nd place sa event na may basbas ng Pinoy Memory Athletes Association INC.

Bukod kina Elenzano at Lolong ang ibang batang kalahok sa PMT na suportado ng Hotel Sogo Group at ni Honorable Marikina Mayor Del De Guzman at ng City Council ay sina Richard Sarcos, Philip Benitez at Nico Angelo Esperanza.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *