MAY nakasabay akong Amerikano sa elevator… Parehas kaming pupunta sa ground floor…
May pumasok pang isang Pinoy…
Guy1:Bababa ba?
Ako: Bababa
Amerikano: Are you aliens?
***
Turtle
Isang pamilya ang magbabakasyon sana sa Baguio pero lumubog ang barko…
Nanay: Kumapit kayong lahat sa akin ‘wag kayong bibitaw…
Bumitaw ang anak niyang kuba sa kanya at nahiwalay. Pero sa kasawiang palad, ito lang ang natira sa pamilya niya dahil kinain lahat sila ng pating.
Kuba: Pating kainin mo na rin ako, wala nang kuwenta ang buhay ko dahil kinain mo nang lahat ng kapamilya ko! Wala na rin say- say T____T
Pating: ‘Wag mo ‘kong linlangin.
KuBA: Bakit?!
Pating: Turtle Ka!