Saturday , January 4 2025

Ang Karibal ni Kevin kay Maybelle (Part 1)

00 karibalDUMATING SA BANSA SI KEVIN MULA SA PAGTATRABAHO SA IBAYONG DAGAT

“Mabuhay! Narito na tayo sa Ninoy Aquino International Airport ng Filipinas. Nasiyahan sana kayo sa ating paglalakbay… Magandang araw sa inyong lahat… Maraming salamat!” Pag-aanunsiyo ng tinig-babae sa communication system ng eroplanong marahang lumapag sa runway ng paliparan.

Tumigil sa pag-usad ang mga gulong ng dambuhalang sasakyang panghimpapawid na galing sa Saudi. Ilang saglit pa at naikabit na ang hagdanan na bababaan ng mga pasaherong lulan niyon at awtomatikong nagbukas ng pintuan.

Sa loob ng eroplano, tila kaybigat-bi-gat ng mga kamay ni Kevin sa pagtatanggal ng seatbelt sa kanyang baywang. Makailang beses siyang nagtuwid ng mga binti sa pagkakaupo, pinisil-pisil ang kalamnan ng mga punong hita. Pinakahuli siya sa mga pasaherong nagbakante ng upuan. Pauyad-uyad niyang inihakbang ang mga paang tila mabibigat ang suot na de-gomang sapatos na Nike.

Noong una siyang manggaling sa pagtatrabaho sa Saudi ay parang gusto niyang liparin ang pag-uwi sa sariling bansa. Kaysigla-sigla niyang nanaog sa sinakyang eroplano. Pagsayad ng mga paa sa airport ay para nang tinatambol ang dibdib niya. Labis niyang kinasabikan noon ang na-ngungulilang ina at mga kapatid. At higit sa lahat, muli niyang mayayakap at mahahagkan ang nobyang si Maybell.

Ngayon, tatlong taon na naman ang nakalipas bago siya muling nakabalik sa sari-ling bansa. Wala na ngayon sa kanyang puso ang pananabik. Wala na kasi siyang Maybelle na babalikan. May asawa na ang ta-nging babae na kanyang minahal.

Paglabas sa arrival area ng NAIA, sumakay siya sa isang taksi na nakapila sa isang gilid ng gusaling labasan ng mga dumarating na pasahero. Ikinarga ng driver sa likurang kompartamento ng minamaneho niyang sasakyan ang kanyang mga dala-dalahan, mga nakaimpake sa kahon na pabango, t-shirt, sapatos, tsokolate, at iba pang maliliit na bagay.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *