Sunday , December 22 2024

1D dinirekta ng upak vs illegal drugs (Foreign and local artists i-drug test na rin)

1DHINDI natin alam kung gimik ba ito o talagang mayroong pagkukulang sa bahagi ng producer at local organizer tuwing magtatanghal sa bansa ang One Direction.

Nakagugulat kasi na tuwing magkakaroon ng concert sa bansa ang One Direction (1D) nagiging isyu ang pagpapa-drug test sa kanila.

Ang unang tanong: kung hindi gimik ito, pwede namang gawin nang tahimik ang drug test, hindi ba?

Ikalawa, open secret na ang mga artist ‘e may kakaibang gimik para i-stimulate ang kanilang talent/prowess. Hindi man lahat pero siguradong mas nakararami ang gumagamit ng drugs or marijuana lalo na ang mga rock band. 

E bakit hindi lahat ng foreign and local artists na magpe-perform ay hingan ng anti-illegal drug clearance?!

Hindi ba pwedeng maging isa sa mga requirement ng Bureau of Immigration (BI) ang anti-illegal drug clearance para matiyak lang natin na ligtas ang mga manonood sa mga concert na tatampukan ng mga foreign and local artists?!

Kung magkakaroon ng ganyang patakaran, tiyak hindi na pag-uusapan ang paulit-ulit na isyu tungkol sa illegal drugs tuwing may malaking pagtatanghal ang mga foreign or local artists sa bansa.

Maliban na lang kung ang isyung ‘yan ay ginagamit na gimik para pag-usapan sila.       

Anong sey ninyo mga suki?!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *