Thursday , December 26 2024

1D dinirekta ng upak vs illegal drugs (Foreign and local artists i-drug test na rin)

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI natin alam kung gimik ba ito o talagang mayroong pagkukulang sa bahagi ng producer at local organizer tuwing magtatanghal sa bansa ang One Direction.

Nakagugulat kasi na tuwing magkakaroon ng concert sa bansa ang One Direction (1D) nagiging isyu ang pagpapa-drug test sa kanila.

Ang unang tanong: kung hindi gimik ito, pwede namang gawin nang tahimik ang drug test, hindi ba?

Ikalawa, open secret na ang mga artist ‘e may kakaibang gimik para i-stimulate ang kanilang talent/prowess. Hindi man lahat pero siguradong mas nakararami ang gumagamit ng drugs or marijuana lalo na ang mga rock band. 

E bakit hindi lahat ng foreign and local artists na magpe-perform ay hingan ng anti-illegal drug clearance?!

Hindi ba pwedeng maging isa sa mga requirement ng Bureau of Immigration (BI) ang anti-illegal drug clearance para matiyak lang natin na ligtas ang mga manonood sa mga concert na tatampukan ng mga foreign and local artists?!

Kung magkakaroon ng ganyang patakaran, tiyak hindi na pag-uusapan ang paulit-ulit na isyu tungkol sa illegal drugs tuwing may malaking pagtatanghal ang mga foreign or local artists sa bansa.

Maliban na lang kung ang isyung ‘yan ay ginagamit na gimik para pag-usapan sila.       

Anong sey ninyo mga suki?!

Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr., sa CSC karapat-dapat ba!?

HINDI natin alam kung sinasadya ng mga bayarang ‘spin doctors’ ang pagpapatampok at pagpapainit sa isyu ng Mamapasano upang hindi mapansin ang unti-unting pagpapalit ng Gabinete ng Malakanyang.

Nitong nakaraang huwebes, pumutok ang balitang, itataga este itatalaga ni PNoy si Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., sa Civil Service Commission (CSC).

Kung credentials o qualifications, qualified naman siguro pero pwede bang pakisilip na rin ang track records?

Ano na ba ang nangyari doon sa isyu ng pagbebenta ng IBC Channel 13 kay Rehgis Romero?

Naklaro na ba ang  joint venture na ito na mas malaki pa ang kinita ng ka-joint venture sa gob-yerno?!

Nalimutan na ba ng Palasyo kung ano ang na-ging papel dito ni Secretary Colokoy ‘este Coloma?!

Wala na bang ibang maaasahan ang administrasyon ni PNoy para italaga d’yan sa CSC?!

What the fact!

Sanggol ipinanglilimos sa LRT Bambang paging Manila SWD!!!

GOOD p.m.,  ka Jerry mananawagan po ako na paki 2lungan naman ang baby sa Bambang LRT sa hagdanan nkahubad ipinanghihingi ng limos. Mga guard ng LRT wla paki d2 sa Bambang. #+63923608 – – – –

 Gustong ipa-drug test ang barangay tanod

GOOD day Bulabugin! Concerned citizen lng po, sino kaya ang aaksiyon kung ang mismong chairman nagbubulagbulagan lang, may tanod sa Brgy. 296 na talamak na gumagamit ng shabu at parang delivery express lang ang pag order ng shabu. I-test ng brgy bureau ang mga tanod at kagawad sana ay mging confidential ang number ko #+63916684 – – – –

K to 12 program dapat ibasura

GOOD am po dapat lang ibasura ang K to 12 program dahil walang sapat na paghahanda at program. Ang sabi ng DepEd, ang k to 12 ay para maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa ayon sa pahayag ni Cong. Romulo, chair ng House Committee on Higher Education at aminado n my problma tau s kakulangan ng mga silid aralan at matagal n itong problma n hindi nman gnagawan ng paraan ng gov’t  paano matuto ang mga-aaral kung nagsisiksikan s isang silid? Paano matuto ang mga mag-aaral. Kung sa isang araw 3 to 4 hrs lang ang klase (3 shift). DepEd Luistro solusyonan nyo muna ang kakulangan ng silid bgo K to 12 #+63930156 – – – –

Talamak na jumper sa Sta. Ana Maynila (Paging Meralco & Bureau of Fire)

GOOD a.m. po Sir Jerry D2 po sa amin sa Punta, Sta. Ana, Manila sa Brgy 905 Zone 100, grbe ang jumper d2 ilang taon na clang nagpapasasa sa kuryente may mga paupahan pa sir tulungan nyo naman kaming kalampagin ang Meralco. ‘Di po kami pinapansin pag nagsumbong kami. Sir alam naman nila kung cno ang nagja-jumper ung walng mga kontador d2 pati kagawad nagjujumper din d2 sa dulo ng public compound sna mawala na jumper d2. Ituturo ko kung saan nila pinapadaan ang wire. Sa pader ng Marcelo Steel. Sana sir Jerry makarating sa kanila ito. ‘Wag nang ipaalam kay chairman at sa ibang kagawad. Thanks po gandang umaga sa Bulabugin. #+63916508 – – – –

Korek ka d’yan Ka Jerry

TAMA lahat ng komento mo na walang katapusan ang paglulubid ng buhangin ni PNoy 100% korek. ‘Yan din ang opinion ko. #+63928570 – – – –

Swiss Match, MRI perhuwisyo sa kalusugan

Magandang araw po Mr. Yap. Sobrang baho po ng lugar namin dito sa Punta, Sta. Ana, Maynila dahil sa polusyon na itinatapon ng mga pabrika sa aming lugar gaya ng Swiss Match at MRI. Grabe po talaga ang pagtitiis namin. Ilang beses na po namin inireklamo ito pero mukhang naaareglo lang ang mga ahensiyang pinagrereklamohan namin. #+63915826 – – – –

Baluktot na baluktot ang nagsasabi ng tuwid na daan

‘YANG mga kahayupan nila erap mandarambung at iskupal mandarambung m0ren0… masa-sabing may kumpas o ayuda talaga, nit0ng rehimen na it0. Pur0 pagpapangap lang din ‘yang si PN0y harap-harapan kung umayuda sa mga kriminal na lider, balukt0t na nga tinahak na daan, binalukt0t pa lalu at hinayaang babuyin ang mga batas at hinayaan din mawasak ang lipunan nating grabe nang nabubul0k sa s0brang kasamaan! Katr0pa D0nald ng T0nd0!!

#+63919665 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *