Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trahedya sa Puso ng Isang Nagmamahal (Part 18)

00 trahedya pusoSA TRAHEDYA NAGWAKAS ANG PAG-IBIG NILA NI CHEENA

“Bunga ng nasabing insidente ay nagsagawa ng malaking rali kahapon ang mga OFW sa Hong Kong. Ito’y sa pangunguna ng isang mili-tanteng kilusan na nagbabantay at kumakali-nga sa mga karapatang-pantao ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang lupain…

“Ayon sa spokesman ng nabanggit na samahan, hindi umano sila naniniwala na nagpakamatay o aksidenteng nahulog sa ikawalong palapag ng gusali ang biktima kung saan naninirahan ang pamilyang Cantonese na pinaglilingkuran nito…

“Una rito, sumulat umano ang biktimang Pinay DH sa pamunuan ng samahan ng mga OFW upang agarang makauwi ng bansa. Anila’y ilang ulit nang pinagtangkaang gahasain ang dalaga ng mangingibig nitong kapatid ng employer sa Hong Kong. Iniimbestigahan pa sa kasalukuyan ng Hong Kong police ang mga pangyayari…”

Hindi narinig ni Yoyong ang pangalan ng biktimang OFW sa Hong Kong. Gayonma’y ikinagimbal niya iyon. At bigla tuloy sumingit sa isipan niya si Cheena.

Pamaya-maya ay may nangatok sa pintuan ng bahay ng kanyang Kuya Dandoy. Ang nakatatanda niyang kapatid ang nagbukas sa pinto. Si Aling Estela ang dumating na panauhin. Nasorpresa siya ng nanay ni Cheena na humahagulgol ng iyak.

“S-si Cheena, ang anak ko…Patay na siya!” anitong katal ang mga labi sa pagluha.

Parang may bombang sumabog sa harap ni Yoyong. Natulala siya pero nangangalog ang kanyang mga tuhod. At biglang nanikip ang dibdib niya sa paghinga.

Umalingawngaw sa utak niya ang tinig ni Cheena noong magpaalam ito sa kanya patu-ngong Hong Kong: “Iiwan ko sa pag-alis ang puso ko… ang tapat na umiibig sa ‘yo.”

Nakakahon ang bangkay ng dalaga nang iuwi ng bansa. Gayong-gayon ang itsura ng pagkalaki-laking kahon na nakita ni Yoyong sa panaginip. Nag-iyakan nang nag-iyakan ang mga kapamilya ng kanyang nobya. At siya man ay nahilam ang mga mata sa walang patid na pagtulo ng luha.

Wala na ang pinakamamahal niyang si Cheena. Si Cheena na nagtiis ng mga kalungkutan at pangungulila sa mga mahal sa buhay. Na ang tanging hangad ay mabigyan ng konting kaluwagan sa pamumuhay ang inang masasakitin at maliliit pang mga kapatid. Walang kasing sakit na trahedya iyon sa puso ng isang tulad niyang umiibig… nagmamahal!

(wakas)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …