Nnaginip pho aq ng isang kamay n hanggang braso n marameng balahebo tpos pho gsto nxa pho aq kuhanin ang kaso pho umiiwas aq ang kso nhawakan nxa n pho aq, aq pho c Charo antay q pho ang sagot nyo nw. Slamat pho ng marame (09991704341)
To Charo,
Ang panaginip ukol sa kamay ay may kaugnayan sa relationships sa mga taong nakapaligid sa iyo at kung paano ka kumukonekta sa mundo. Ang kamay ay nagsisilbi bilang uri ng komunikasyon at maaaring nagre-represent ng authority, hate, protection, justice, etc, depende sa sitwasyon o itsura ng kamay. Maaaring ito ay nagsasabi rin na kailangang tumulong o magbigay ng helping hands sa ibang tao. Pag-ukulan ng pansin kung kailangan ng mga taong malapit sa iyo ang iyong higit na patnubay at pagkalinga. Ang kanang kamay ay nagre-represent ng masculine and active attributes. Ito ay maaari rin namang may kinalaman sa desisyon na may kaugnayan sa pagiging right o tama. Kung sa panaginip naman ay nakitang natanggal o naputol ang kanang kamay, nagpapakita ito na hindi mo naipaparating ang iyong point of view, na ikaw ay hindi naiintindihan. Maaaring ito ay sumisimbolo rin ng pagiging malungkot.
Ang balahibo o buhok sa panaginip ay may kaugnayan din ukol sa sexual virility, seduction, sensuality, vanity, at health. Ito ay may sinasabi rin o indikasyon din ng iyong attitudes. Maaaring paalala rin sa iyo ang panaginip mo na dapat harapin ang ilang mga bagay na bumabagabag sa iyo, upang matuldukan na ito at makapag-move-on ka na.
Señor H.