kinalap ni Tracy Cabrera
LUMITAW ang footage ng pagsalakay ng dose-dosenang mga higanteng daga sa isang kalsada sa sentro ng Newcastle sa United Kingdom kamakailan.
Ang video ay kuha ng mag-asawang namataan ang malalaking daga habang pauwi sila mula sa pakikipag-party sa kanilang mga kaibigan bandang ala-1:00 ng madaling araw.
Ipinapakita sa video, na nakuha mula sa mobile phone, ang mga dagang nagtatakbohan at sumu-sungkal sa mga basurahan para maghanap ng makakain o kaya para magtago sa mga tao at sasakyang dumaraan.
Ayon sa filmer nang kapanayamin ng pahayagang Mirror: “Makikita lang n’yo ang iilan sa mga daga roon sa video, pero nang lumigid kami sa kanto ay naroroon ang 50 hanggang 60 pang mga daga.”
Nangilabot umano ang mag-asawa nang makita ang tinaguriang mga peste dahil sa pagturing din na marurumi ang mga ito at nagdadala ng sakit sa tao.
“Biruin n’yo mga nakakadiring daga na naroroon mismo sa lungsod kung saan kami kumakain . . . Gumi-mik kami ng mga kaibigan namin at nag-inuman at tumuloy kami sa Apsers Casino at habang naglalakad kami ay nakita namin ang sangkatutak na daga,” anang ng lalaki.
“Imposible na kaming kumain ditong muli,” dagdag ng kanyang misis.
Sa mga kuwentong-ba-yan, minsang sumikat ang village ng Hamelin sa Lower Sacxony, Germany, na sinasabing sinalakay din ng napakaraming daga ngunit nasagip lamang sa impes-tasyon ng isang lalaking binansagang Pied Piper.