SALUBUNGIN ang sariwang enerhiya patungo sa inyong bahay sa pamamagitan ng paglilinis.
Sa paglilinis sa bahay ay maaaring lalo pang bumuti ang iyong personal energy, ito ay magpapatatag at magpapalakas sa iyo. Makatutulong ang feng shui tips na ito sa inyong paglilinis ng bahay.
*Kung nais pagbutihin ang iyong kalusugan, idispatsa ang mga bagay na nagpapadagdag sa mga tambak at humaharang sa pagdaloy ng enerhiya sa kusina (lalo na ang cupboards at freezer). Ang estado ng kusina ay estado rin ng iyong kalusugan, bigyan ng pabor ang sarili sa pamamagitan ng paglilinis ng kusina. Linisin ang refrigerator, ang stove at lahat ng mga kaldero at kawali. Idispatsa ang mapanganib na chemical kitchen cleaners at gumamit ng natural ones. Linisin din ang drawers, surfaces, light fixtures, etc. at ang daan para sa pagdaloy ng strong vibrant Chi na magbibigay ng sustansya sa iyong enerhiya.
*Maglagay ng tatlong bagong pots na may vibrant feng shui green plants para mapanariwa ang enerhiya sa inyong espasyo na sinisimbolo nito, at patatagin ang enerhiya ng bagong panimula. Kung plano mong ilagay ang mga ito sa kusina, piliin ang madahon at aromatic herbs, katulad ng basil, rosemary o mint. Mag-focus sa front entrance, gayundin sa kusina, dahil ang mga ito ay konektado sa iyong kalusugan.
*Linising mabuti ang bedroom at bathroom, idispatsa ang ano man na hindi ginamit sa nakaraang anim na buwan. Alisin ang ano mang bagay sa ilalim ng kama , linisin ang mga bintana, at lagyan ng bagong dekorasyon ang bedroom gayundin ang bathroom.
*Kung nais mong may dumating na bagong love relationship sa iyong buhay, maglaan ng actual, physical space para sa new person na ito sa iyong bahay. Alisin sa closets ang mga damit na hindi na ginagamit para sa malayang pagdaloy ng chi. Dapat magkaroon ng malayang pagdaloy ng enerhiya sa iyong bahay upang makaakit ng tao na may katangian na iyong gusto.
*Tiyaking nauunawaan mo ang kahalagahan ng space clearing at komportable kahit sa simpleng feng shui space clearing session sa iyong bahay.
ni Lady Choi