Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

20-anyos bebot dinukot ng kelot

111014 rapeNAILIGTAS ng mga tauhan ng Manila Police District PS 5 ang isang 20-anyos babae  sa follow-up operation sa Valenzuela City kamakalawa makaraan dukutin ng isang 23-anyos lalaki nitong Marso 15 sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila.

Nakapiit na himpilan ng pulisya ang suspek na si Ibrahim Giama, walang asawa, ng Block 15, Baseco Compound, Tondo, Maynila, sinampahan ng kasong serious illegal detention, physical injury in relation to R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004).

Ayon kay Supt. Romeo Juan Macapaz, hepe ng Ermita Police Station 5, dakong 12:49 p.m. nang matagpuan ang biktimang itinago sa pangalang Michelle, sa isang bahay sa Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Nauna rito, noong Marso 15, naglalakad ang biktima kasama si Marissa Gaa, 40, sa Roxas Blvd.  patungo ng Luneta nang lapitan sila ng suspek at pilit na isinakay sa tricycle si Michelle.

Nang makarating sa Intramuros, sinabi ng suspek na ihahatid niya ang biktima sa kanilang bahay sa Baseco Compound, Tondo, Maynila ngunit nagulat siya nang dalhin siya sa Valenzuela City.

Habang agad nagtungo si Gaa sa himpilan ng pulisya at ini-report ang insidente. 

Sa follow-up operation ng mga tauhan ng MPD PS 5 at sa tulong ng mga tauhan ng Valenzuela City Police PCP 12, natunton ang kinaroroonan ng biktima at nasagip habang naaresto ang suspek na lango sa alak at droga.         

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …