Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tinder user na-in love sa Sexy Robot

Kinalap ni Tracy Cabrera

031915 tinder ava ex-machina

NAKAIINIS at nakalulungkot na rin para sa mga nabigong manliligaw—nagawang makakilala ng mga Tinder user sa SXSW festival ng isang kaakit-akit na 25-taon-gulang dilag na ang pangalan ay Ava sa dating app.

Isa sa aming mga kaibigan ang nakipag-match sa kanya, at kalaunan ay nag-uusap na ang dalawa sa pamamagitan ng text.

Ngunit nang buksan niya ang Instagram ni Ava, naging malinaw sa kanya na mayroong mga bagay na dapat niyang malaman. May isang larawan at isang video, na parehong pino-promote ang Ex Machina, isang sci-fi film na nag-premier sa Austin. Ang link sa bio ni Ava ay sadyang tumuloy sa website ng pelikula. At lumalabas na ang babaeng nasa larawan ay Swedish actress pala na si Alicia Vikander, na gumanap bilang artificial intelligence sa nabanggit na pelikula.

Kakaiba kung paano umuugnay si Ava sa pelikula. Dangan nga lang na sa retrospect lang malalaman na ang mga katanungan ni Ava ay patungkol sa isang robot na nagnanais malaman kung ano ang pakiramdam na maging isang human, o tao.

May nagsasa-bing invasive ito, at ang iba pa’y nagpahayag na spammy. Kung iisipin din naman, labis lang nang bahagya sa porn bots ng Tinder. Pero dito naman, puwede nang palampasin dahil tunay na ‘strong fit’ sa konsepto. Isang robot siya sa pelikula, kaya siyempre robot din siya sa Tinder.

At sa kaibigan namin nakaugnay si Ava—na tunay namang nabighani sa kagandahan ni Ava—naging isang panloloko ang pananaw niya sa kanyang karanasan. Ngunit muntik na rin siya maging ‘bigo’ sa pag-ibig sa pahayag na…

“Pinaglaruan nila ang aking emosyon.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

SM Womens Month

SM Supermalls’ 6th International Women’s Summit Honors Women’s Excellence and Ingenuity

Women leaders, advocates, and allies gather at your most loved mall, SM for SM Supermalls’ …

SM Only Begotten Son

SM Mall of Asia Opens “The Only Begotten Son” at MOA Sky this Lenten Season

In a season marked by silence, sacrifice, and hope, SM Mall of Asia invites the …

SM Nuat Thai Chagee Tianlala

ALL FOR REAL: Best New Finds in Metro Manila with SM Supermalls

In life, we want nothing more than REALNESS. We cling to those who show true …

Katarungan Center Deed of Usufruct Laguna Sol Aragones

Katarungan Center natugunan sa Deed of Usufruct ng Laguna 

SA PAMAMAGITAN ng isang usufruct deed, ang lalawigan ng Laguna ay pormal na nakakuha ng …