Monday , November 18 2024

Survey ni PNoy lumagapak

PNOY SAF 44AGAD sumadsad sa pinakamababa ang approval at trust ratings ni Pangulong Benigno Aquino III kasunod ng madugong operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 na SAF commandos.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Marso 1 hanggang 7 kung kailan mainit na isyu ang naging sagupaan ng PNP-SAF at Moro Islamic Liberation Front (MILF), natikman ni Aquino sa unang pagkakataon ang non-majority national approval at trust ratings mula nang mahalal noong 2010.

Naitala ang approval ratings ni Aquino sa 38% mula sa 59% sa survey noong Nobyembre 2014.

Habang nasa 39% ang undecided sa performance ratings niya samantala 23% ang hindi kontento.

Ang trust ratings ni Aquino ay bumagsak sa 36% mula sa dating 56%. 

Naitala ang 37% undecided at 27% ang walang tiwala rito.

Kabuuang 1,200 representative adults ang lumahok sa pinakahuling survey. 

Matatandaan, naging sentro ng kontrobersya si Aquino dahil sa hindi pag-ako ng responsibilidad sa operasyon sa kabila ng pagiging commander-in-chief.

Nanindigan ang Malacañang na walang pananagutan ang Pangulo sa madugong insidente.

Kahit namimilipit na ang dila at nauubos ang laway nina Sec. Coloma, Lacierda at Valte sa pagdepensa kay Pnoy e walang epek pa rin sa taong bayan. Mukhang lalo lang napapasama ang Pangulo sa mga paliwanag nila!?

Kamakalawa, umeksena na rin si superstar Ate Guy at nanawagan na mag-resign na si Pnoy. 

Jusko!!! Hindi ba noon ay nanawagan rin siya na bumaba si Erap!?

At natuluyan nga na napatalsik sa Palasyo si Erap. 

I’ll keep my fingers-crossed na ‘wag mangyari kay Pnoy ‘yan!

Sa ganitong sitwasyon, marami ang naniniwala na kung hindi makababawi si PNoy bago ang election fever sa 2016, siya magiging kiss of death sa sino mang susuportahan niya.

At kapag hindi nanalo sa eleksiyon ang kanyang sususportahan, maulit kayak ay PNoy ang pagkakahoyo nina Erap Estrada at Gloria Arroyo?!

‘Yan po ang aabangan natin.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *