ni Tracy Cabrera
BASE sa kanilang huling pag-uusap, malaki umano ang posibilidad na magbalik si Andray Blatche para isa pang tour-of-duty sa national team para sa FIBA Asia Championship sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsa, China, ayon kay Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin.
“I’m not looking for anybody else,” pahayag ni Baldwin. “We have contacted him and he’s available at the moment to play for Gilas Pilipinas.”
Gayon pa man, sa pagkonsidera sa ka-libre ni Blatche na nakapaglaro na ng siyam na season sa dalawang team sa NBA, malaki rin umano ang posibilidad na mag-sign in ang 6-foot-11 sentro sa isang NBA team, o maglaro sa Europa o maglaro muli sa pro league ng Tsina na CBA.
Nagsimula si Blatche ng kanyang NBA career sa Washington Wizards noong 2005, saka lumagda ng free agent deal sa Brooklyn Nets para sa dalawang season bago nakamit ang status na unrestricted free agent noong 2014.
Sa siyam na season sa NBA, nag-career ave-rage siya ng 10.1 puntos at 5.4 na rebound.
Ma-tapos maglaro para sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa Spain, nagdesisyon si Blatche na maglaro sa Tsina para sa Xinjiang Flying Tigers, na nag-averag naman siya ng 31.1 puntos, 14.6 na rebound, 5.1 assist at 2.8 steal sa 38 laro.
Ayon kay Baldwin, sakaling hindi available si Blatche, si Marcus Douthit ang magiging naturalized player ng Gilas. Hu-ling naglaro si Douthit para sa national team sa Asian Games sa Incheon, South Korea nang maghatol ang Olympic Council of Asia (OCA) na ineligible si Blatche dahil sa isyu ng kanyang residency.
Ang FIBA-Asia Championship ang qualify tournament para sa Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil sa susunod na taon.
Inaasahang papangalanan ni Baldwin ang mga PBA player na papasok sa national team pool matapos ang ongoing Commissioner’s Cup, na pipiliin niya ang kabuuan ng Gilas Pilipinas para sa Asian championship.