Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alaska handang magbigay ng manlalaro sa Gilas

ni James Ty III

031915 calvin abueva alaska gilas

MAKIKIPAG-USAP ang kampo ng Alaska Milk kay Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin tungkol sa planong pagbibigay ng Aces ng ilang mga manlalaro sa national team.

Sinabi ng team manager at board governor ng Alaska na si Richard Bachmann na sisipot siya sa pulong ng mga PBA team owners at mga opisyal ng mga koponan kina Baldwin at PBA Commissioner Chito Salud tungkol sa bagong Gilas na ipapadala sa FIBA Asia Championships sa Setyembre sa Tsina.

Ang torneong ito ay qualifier para sa 2016 Rio Olympics kung saan ang kampeon lang ang ipapadala roon.

“The meeting will make the national program easier to understand,” wika ni Bachmann. “We are not closing our doors to lending our players for the national team.”

Isa si Calvin Abueva sa mga manlalaro ng Alaska na puwedeng kasama sa national pool ni Baldwin.

Dapat ay kasama sina Abueva at Sonny Thoss sa Gilas ni coach Chot Reyes noon ngunit hindi sila sumama dahil sa in injury.

Si Thoss ay huling manlalaro ng Alaska na isinama sa Gilas noong 2012 Jones Cup.

Magsisimula ang ensayo ng bagong Gilas sa Hulyo pagkatapos ng PBA Governors’ Cup.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …